^

Pang Movies

Dominic, pinagdududahan na ang intensyon kay Bea

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dominic, pinagdududahan na ang intensyon kay Bea

Hindi pinalampas ni Dominic Roque ang isang netizen na kumukuwestiyon ng pagmamahal niya sa girlfriend na si Bea Alonzo.

Sa latest Instagram post ng aktor ay may nagkomentong user na mas supportive pa raw si Dom sa friends nito kaysa sa GF.

“Si Dom talaga… Ever since mas vocal support sa friends kesa kay Bea. Nakakatampo! Eme. Pahingi naman kahit isang story nung theater play ni Bea. Post ka naman minsan ng di throwback huhu,” ang sabi ng netizen.

Hindi ito pinalampas ni Dominic at sinagot ang commenter ng “wala kang alam. Godbless you.”

Sumagot din ang BeaDom fans at ipinagtanggol si Dom sa basher.

Sabi ng isang fan, “Naman ano ba yan. Ang walang sasabihing maganda tahimik na sana. Ito mga nagiging rason na di nag po-post mga artista eh. Ang ayaw sa BeaDom mag unfollow kasi kami masaya kami kung ano man nangyayari sa dalawa. Kung may post salamat kung wala may rason sila karapatan nila yan. Wala tayong alam sa personal na buhay nila. Hindi kung ano ano iniisip. TB man o bago nag like man o hindi. Masaya kami sa BeaDom. Hwag kasi nega ang isipin, hwag judgemental. Don’t forget Life is BEAutiful. God bless everyone.”

Nagpasalamat naman si Dom sa pagdepensa’t pagsuporta sa kanya ng fans.

Ruru, dream girl si Bianca

Matapos kunan ang kanilang last few scenes sa serye nilang The Write One, lumipad patungong Paris ang magdyowang sina Ruru Madrid at Bianca Umali para magbakasyon.

Makikita nga sa kani-kanilang post na super-enjoy sila sa Paris na sey ni Ruru ay dream destination niya with his dream girl.

Sa isang post ni Ruru ay tila naging emosyonal pa ang aktor sa kanyang kaligayahang nararamdaman ngayon.

Nag-post ang aktor ng reel kung saan ay makikita sila ni Bianca sa harap ng Eiffel Tower.

“This is the most magical moment of my life 

“Ang sarap sa pakiramdam na parang ang lahat ng mga bagay ay umaayon sayo. Lahat ng mga bagay na hinihiling ko lang noon nabibigyan na ng katuparan ngayon.

“Dream destination with my dream girl,” ang simula ng caption ni Ruru.

Pagkatapos nito ay nagpasalamat siya sa Diyos, gayundin kay Bianca na kasama raw niya sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.

“Thank you lord sa lahat ng meron ako ngayon 

“And thank you @bianxa for everything, thank you dahil kasama kita sa pagtupad ng lahat ng mga pangarap ko at pangarap nating dalawa,” ani Ruru.

Sa huli ay sinabi ng aktor na simula pa lang ito ng kanilang happiness.

“This is just the beginning of our happily ever after.  To more travels together! ILYSM,” pagtatapos ni Ruru.

DOMINIC ROQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with