GMA documentary show iWitness host Kara David revealed na may pinagdadaanan siyang mental health issues at ang nakakakalma daw sa kanya ay ang pagsali sa marathons and triathlons.
Na-diagnose si Kara with bipolar disorder, a mental illness that causes sudden shifts in a person’s mood, activity levels, energy, and concentration.
“Matagal ko na yong alam na I have bipolar disorder. And kapag meron kang ganung klaseng kondisyon, ‘yong manic depressive one way para hindi naman ma-cure, pero ma-manage mo ‘yong iyong mental health issues mo ay to go into sports. To go into activities na nakakapagbigay ng natural endorphins.
“’Yong manic depressive kasi ano siya magshu-shoot up ka nang masayang-masaya, tapos magka-crash ka nang malungkot na malungkot. So ang gusto mong mangyari ‘yong hindi ka masyadong masayang-masaya, tapos biglang babagsak ka made-depress ka nang bonggang-bongga. Ang gusto mo ‘yung medyo banayad ka lang nang ganiyan. So my conscious effort on my part to be active at maging talagang marami talagang gagawing mga exercise para talagang ma-force ‘yong aking hormones to produce happy hormones,” ayon pa kay Kara.
Sinubukan na raw ni Kara ang iba’t ibang sports tulad ng swimming at badminton. Hanggang sa mas nagustuhan niya ang triathlon. Dahil sa sports ay hindi na raw masyadong dependent sa gamot si Kara.
Glaiza, bilib kay Angelica
Hinahangaan ni Glaiza De Castro ang kanyang kaibigang si Angelica Panganiban sa pagiging totoo nito. Kahit daw mataray ang tingin ng ibang tao, ‘yun daw ang pagiging totoong tao nito.
“Kaya rin kami naging friends ni Angelica dahil nakita ko sa kanya ‘yung sincerity, na kung ano ‘yung nasa isip niya ‘yun talaga ‘yung sasabihin niya. ‘Yun po ‘yung minsan nakakatakot sa mga tao, na ang daming sinasabing mga magagandang bagay sa ‘yo pero pagtalikod mo, iba na ‘yung sinasabi. Siya (Angelica), kung pangit ‘yung sinasabi niya sa ‘yo sa harap mo, asahan mo na ‘yun talaga ‘yung opinyon niya sa ‘yo,” sabi pa ng bida ng The Seed Of Love.
Kaya naman daw naging tapat din si Glaiza kay Angelica na kaibigan niya for 15 years. Bukod kay Angelica, kaibigan din ni Glaiza ang iba pang empowered women tulad nina Maxene Magalona, Chynna Ortaleza, Sheena Halili at Rochelle Pangilinan.
“Sa akin lang, feeling ko lang kapag nagsasama-sama kami, mas nae-empower nila ako, ‘yung energy nila na nakukuha ko. Sa life, meron kang kasama na mga matitikas na mga babae na handa rin sumama sa ‘yo sa laban mo,” sabi ni Glaiza.