^

Pang Movies

Valerie, nilantad ang sikreto sa happy marriage  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Thankful si Valerie Concepcion para sa kanyang mister na si Francis Sunga. Dumating daw ito sa buhay niya noong inakala niya ay hindi na siya iibig ulit. Kaya noong nakaraang 6th wedding anniversary nila, pinasalamatan niya ito dahil nabuo raw sila ng kanyang anak na si Fiona. “I told myself that I don’t want to be in a relationship anytime soon. But when Francis and I met, there was this instant connection. It felt like we’ve known each other forever. So when he asked me to be his gf just weeks after I met him, I said YES. And now, 6 years later, he’s still crazy about me. We’re still crazy about each other!” caption pa ni Valerie sa Instagram post niya.

Very supportive rin daw si Francis sa kanyang pag-aartista, lalo na sa pagganap nito bilang kontrabida sa teleserye na The Seed Of Love. Huwag lang daw siya maging kontrabida sa totoong buhay.

“Ever since naman, supportive si Francis sa mga ginagawa ko. Nakilala niya ako bilang artista at hindi niya ako pinipigilan sa trabaho na gustung-gusto kong gawin. Kaya kahit busy ako, I always find time na tawagan siya or mag-FaceTime kami. The secret of a happy marriage is communication, hindi dapat nawawala iyon sa mag-asawa,” ngiti pa ni Valerie.

Prince Harry, nagmadaling umalis sa coronation ng ama

Hindi pala nagtagal si Prince Harry pagkatapos ng coronation ceremony ng kanyang amang si King Charles III.

Ayon sa report ng DailyMail.com, pagkatapos ng ceremony ay agad na umalis si Harry at dumiretso sa Heathrow Airport.

May dahilan kung bakit nagmamada­ling umalis si Harry sa United Kingdom dahil birthday ng kanyang anak na si Prince Archie na nasa California kasama ang misis niyang si Meghan Markle at baby girl nilang si Lilibet.

Naimbitahan naman si Harry sa luncheon sa Buckingham Palace kahit na awkward ang sitwasyon nito sa kanyang pamilya pagkatapos na lumabas ang kanyang memoir na Spare kung saan may mga ni-reveal siya tungkol sa relasyon niya sa Royal Family noong pakasalan niya si Meghan Markle.

Hindi naman binigo ni Harry ang kanyang ama sa coronation ceremony nito kahit na hindi na siya isang working member of the royals.

VALERIE CONCEPCION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with