^

Pang Movies

Maricel, inaming pinaghandaan ang reunion nila ni Edu

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Maricel, inaming pinaghandaan ang reunion nila ni Edu
Maricel Soriano at Edu Manzano

Nagkumustahan, nagkuwentuhan, nagbalik-tanaw at maraming tawanan ang pagkikita nina Maricel Soriano at Edu Manzano nang mag-guest si Edu sa vlog ni Maricel. Sa post ni Maricel ng photos nila ni Edu, ipinakilala niya itong “Ex-Mister kong si @realedumanzano.”

Ayon pa kay Maricel, special sa puso niya si Edu na ipinagpasalamat ni Edu. Sa kumustahan portion nila, sagot ni Edu, mabuti siya at nagtatrabaho pa rin. Tinanong pa ni Maricel si Edu ng “maganda ba ako?” at ang sagot ng Edu ay “hindi lang maganda, magandang-maganda.”

Pinansin din ni Maricel na wala pang uban si Edu at parang walang sagot si Edu o hindi lang namin narinig. Ang pinansin naman ni Edu ay looking good nga si Maricel, magandang-maganda.

“Iba talaga ‘pag inaalagaan ang sarili. Dapat maging ambassador si Maricel kung paano alagaan ang sarili. Sa portion na ito ay nagbanggitan sila ng kani-kanyang edad. Sabi ni Edu, 68 years old na siya at ayon naman kay Maricel, 58 years old na siya. Ibig sabihin, 10 years ang age gap nila, pero hindi naman ito naging isyu noong sila’y magkaroon ng relasyon.

Hirit uli ni Maricel kung na-miss ba siya ni Edu? “Oo at hindi madali itong ginagawa ko. Naghanda ako for three days, “biro ni Edu na tinawanan ni Maricel.

Ang dami ngang tawanan sa pagkikitang ‘yun ng mag-ex at ang daming punchlines ni Edu, kaya tuwang-tuwa ang mga nakapanood ng vlog. Nag-trending ang vlog at nag-number nine agad sa first day na lumabas.

Jodi, umapak sa GMA

Nagsimula nang mag-promote ang cast ng “Unbreak my Heart” and last Sunday, nag-taping sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia para sa guesting nila sa “All-Out Sundays” o AOS. Sa video na napanood namin, winelcome ni Gabbi Garcia sa GMA sina Joshua at Jodi.

Na-starstruck ang staff ng All-Out Sundays nang makita si Jodi na ang sabi, kinilabutan siya sa una niyang pagbisita sa GMA. Hindi pa lang nabanggit kung kailan ang airing ng guesting nina Jodi at Joshua sa AOS, pero dahil sa May 29 na ang world premiere ng series, baka sa Sunday, May 14, mapanood na ang guesting ng Kapamilya stars sa show ng GMA.

May mga request na ma-interview sina Jodi at Joshua ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda” at sa iba pang shows ng Kapuso network. Wish din ng fans, mag-guest sina Gabbi at Richard Yap sa “It’s Showtime.”

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with