Buhok sa kili-kili ni Xyriel, pinagdiskitahan!

Xyriel Manabat

Mahinahong sinagot ni Xyriel Manabat ang netizens na nag-comment na may hair ang armpit niya sa photos niya na inilabas ang kaseksihan. Sagot ni Xyriel sa comment, “uhmm coz tao ako? So what about it?”

Actually, kapag hindi mo i-zoom ang nasabing larawan ni Xyriel, hindi makikita ang buhok niya sa kili-kili at bilib kami sa netizen na nag-zoom in talaga para lang makita ang buhok sa kili-kili ni Xyriel. Hindi siya matatawag na bashing dahil totoo ang sinabi.

Kaya nga, nagalit ang ibang netizens sa nag-comment at siguro raw, wala siyang buhok sa kili-kili.

Sa rami raw ng magandang mapapansin kay Xyriel, ‘yun pang nakatago ang nakita. Parang naka-bra tops si Xyriel at kahit inipit ang braso, may lumabas pa ring buhok dahil na rin siguro sa balbon siya.

On the other hand, sana napansin ‘yun ng glam team niya o kaya ng fotog na sumilip sa camera at na-advise sana si Xyriel para lang walang ganitong isyu.

Ang kagandahan lang, hindi apektado si Xyriel, kaya keber.

Thirdy, napagkamalang si Joshua!

Ang guwapo ng anak ni Jodi Sta. Maria kay Pampi Lacson na si Thirdy at may karapatan siyang i-flex ang anak.

Nag-post ng photos ni Thirdy sa kanyang Instagram si Jodi habang inaayusan para sa kanyang graduation ball.

Sabi ni Jodi, “Oh how you’ve grown! Flex ko lang ‘yung binata ko. I love you always, anak.”

Kabilang sina Anne Curtis, Nadia Montenegro, Nikki Valdez sa nag-comment na hindi sila makapaniwala na binata na ito. Isa nga sa nag-comment si Iwa Moto na partner ngayon ni Pampi at ang sabi, “pogi naman ni Kuya muy.”

May tumawag na matinee idol si Thirdy at may nag-comment na may hawig siya kay Joshua Garcia na kasama ni Jodi sa Unbreak my Heart, na airing na sa May 29, sa GMA 7.  May nag-akala talagang photo ni Joshua ang plinex ni Jodi at sa rami ng nag-comment, ang pagiging guwapo ni Thirdy ang common comment.

Anway, sa May 29 na nga ang world premiere ng Unbreak my Heart na first collab ng ABS-CBN at GMA Network at may streaming sa Viu Philippines sa May 27, sa iwantTFC at GMANETWork.com.

Martin at Mig Ayesa, nalantad ang relasyon!

Magpinsan pala sina Martin Nievera at Mig Ayesa at nalaman lang ang tungkol dito nang mag-comment si Mig ng “Wow Pinsan!!! This in INCREDIBLE!!! So proud of you Dude. This is a BUCKET LIST gig... CONGRATULATIONS!!!”

Ito ang naging reaction ni Mig sa ibinalita ni Martin na kasama siya sa David Foster Hitman Tour scheduled on June 23 and 24 sa Wynn Las Vegas. Maganda rin ang billing ni Martin sa poster, may “and” bago ang name niya at may picture pa niya.

May mga nagtanong kung bakit hindi kasama si Morisette Amon sa hitman tour ni David Foster gayung nagustuhan din si Morisette ni David?

At  natawa kami sa sagot ng netizens na magagalit daw kasi ang mom ni Jake Zyrus kapag pati sa Las Vegas ay i-guest pa si Morisette.

Matatandaang nag-react si Raquel Pempengco nang mag-guest si Morisette sa concert dito ni David Foster at naging isyu ang comment niya na mas mahusay ang kanyang anak kesa kay Morisette.

Show comments