Claudine, ‘di nakakalimutan ang ginawa ni Juday
Itinuturing na maghigpit na magkaribal sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos noong kanilang kapanahunan pero in reality ayon sa una ay magkaibigan sila.
Nabanggit ito ni Claudine sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda.
“You know, Judy Ann and I, people think we don’t get along, we never got along.
“But in truth is that even nung debut niya, right after, I remember that was a Sunday and everything was closed, the after-party was in my condominium,” kwento ni Claudine.
Pero that time ay bawal daw silang makitang magkasama.
“Ang dami naming pinagdaanan ni Judy Ann. It’s just that during that time, we couldn’t… kumbaga, para kaming mag-boyfriend-girlfriend ni Judy Ann. Bawal kaming makita sa labas kasi ayaw ni Tito Alfie (yumaong dating manager ni Juday). Kasi dapat daw ala-Nora-Vilma. Parang ganyan.”
Pero never daw niyang makakalimutan ang ginawa ni Juday para sa kanya at the lowest point of her life.
“I would never forget what Judy Ann did to me, that’s why she is who she is. Judy Ann Santos is Judy Ann Santos.
“You know, at my lowest point, when I also transferred from Channel 2 to Channel 7, in one of her interviews, parang they said that she was the Teleserye Queen. And she said ‘No. Claudine and I share this title.’
“I will never forget that, Boy, ‘til the day I die,” lahad ni Claudine.
Dagdag pa niya, “and our dream is to be able to do a movie together and I will be forever grateful for Judy Ann Santos.”
Hirit pa ng aktres, “and queens support queens.”
Charo, sanay na sa style na walang script si Coco
Masayang-masaya si Charo Santos na kapag lumalabas daw siya ay hindi na ‘Ma’am Charo’ ang tawag sa kanya ng mga tao kundi Lola Tindeng na, ang karakter niya sa FPJ’s Batang Quiapo.
Kaya naman nagpasalamat siya sa kanyang direktor at bida rin ng serye na si Coco Martin. “Maraming salamat Coco kasi napakasarap na kapag lumalabas ako hindi Ma’am Charo ang tawag sa akin kung hindi Lola Tindeng. So happy naman ako Tanggol, aking apo na nakinig ka sa mga pangaral ko at babaguhin mo na ang takbo ng iyong buhay,” sabi ni Charo sa mediacon ng FPJBQ.
Ibang klase raw talagang makatrabaho si Coco dahil kailangan daw talaga na lagi kang alerto and prepared.
“Napakaibang experience nito para sa akin kasi may mga eksena kami ni Coco na hindi naman namin ni-rehearse, tapos biglang may itatanong siya sa akin.
“Talagang itatanong na lang niya bigla. Biglang “ha?” Huhugot ka talaga sa pagkakaintindi mo sa character mo at saka ‘yung hinihingi eksena,” aniya.
“So, ganu’n, it’s a very different experience kasi improv (improvised) nga, no? You have to be quick on your toes,” dagdag pa niya.
Dahil nga walang script magtrabaho si Coco ay nasanay na raw siya ng ganu’ng sistema kaya ‘pag si direk Malu Sevilla (isa pang direktor ng FPJBQ) na ang nagdidirek sa kanya ay nahihirapan na raw siya at hindi na sanay.
- Latest