Mag-inang Vilma at Carlo, may reunion

Nag-post si Carlo Aquino ng pictures niya kasama si Ate Vi (Vilma Santos) at si direk Adolf Alix sa kanyang social media account. Obvious na may pinag-uusapan silang project, probably isa na namang pelikula. Matapos kasing sabihin ni Ate Vi na muli na niyang haharapin ang show business, at ngayon nga ay nakatapos na ng isang pelikula, sunud-sunod na ang offers na dumarating sa kanya. Marami ring mga artista na gustong makipag-collaborate sa kanya, at dahil gumawa nga siya ng isang pelikula na baguhan ang mga direktor, maraming mga baguhan naman ang naglakas loob na ialok ang kanilang projects sa Star For All Seasons.
Marami naman ang nakapansin na talagang open si At Vi ngayon sa mga bata at baguhang direktor. Noong araw, puro mga beterano lang ang nakakasama niya.
Pero para sa kanya : “Kailangang pag-aralan natin kung ano ang makapagpapabalik ng mga tao sa sinehan. Marami na tayong kalaban, dati mag-videos lang ng mga pelikula natin na nailabas na sa sine. Ngayon hindi eh, may mga bagong pelikula na nasa internet streaming. May mga bagong palabas na straight to video. Malakas din ang telebisyon na ang gaganda ng mga seryeng ginagawa. Kaya kailangan matindi rin ang pelikula para mapabalik mo ang mga tao sa sinehan,” sabi ni Ate Vi.
Does that mean na puro mga baguhang direktor muna ang pagtitiwalaan niya ng mga pelikulang gagawin niya? “Hindi naman gusto ko ring makasama ulit ng mga dati kong kasama. Depende iyan sa mga pojects na darating eh.,” sabi pa ng Star for all Seasons.
Anjo at Robin, matindi ang away noon
Dahil nagtatrabaho na si Anjo Yllana ngayon sa senado, sa opisina ni Senador Jinggoy Estrada, naging magkaibigan daw silang matalik ni Senador Robin Padilla. Naalala rin ni Anjo kung gaano kalubha ang sigalutan nila noon, na nauwi pa sa matinding away ng pamilya talaga.
Doon sa kanilang show na Palibhasa Lalake, nagpasok ng joke si Anjo na may kinalaman kay Rustom Padilla. Medyo hindi maganda at noong panahong iyon ay hindi pa tanggap ng mga Padilla ang ganung mga biro tungkol kay Rustom na isa itong badap, ni hindi nila akalaing darating ang araw na magdedeklara ring siya si BB Gandanghari. Nasaktan pati si Carmina Villarroel na bahagi ng show, kaya nag-resign siya sa show mismo.
Sa panig naman ng mga Padilla, gusto nilang patunayan kung sino talaga ang mas astig. Noong nagsimula na para silang may private army. May lumabas pang H World, o heavenly army kung saan isang general ng kapatid nilang si Royette at colonel naman si Robin, may dala na silang baril na akala mo may giyera na.
Pero limot na nila ang lahat. Kumbaga ay water under the bridge na ang mga pangyayari!
- Latest