Spotted sina Batangas Vice Governor Mark Leviste and Phillip Salvador kahapon sa ginanap na CALACAtchara Festival in Calaca, Batangas.
May nagpadala sa akin ng photos kung saan magkasama sina Phillip na ex ni Kris Aquino at ang pulitikong kasalukuyang karelasyon nito.
Nagsagawa raw ng inspection sa Taal Health Center at Distribution of Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang grupo ni Sen. Bong Go kasama ang actor na inactive na ngayon sa kasalukuyan sa showbiz.
Kaya tinanong ko ang current ni Kris na si Vice Gov. Mark kung anong reaction niya nang magkita sila at kung ito ba ang first time nilang nagkausap ni Kuya Ipe na ama ng eldest son ni Kris na si Joshua.
“First time since Kris and I got together,” sagot ng pulitiko sa Viber message.
Aniya ay nagpasalamat si Phillip sa pag-aalaga niya kay Kris at sa dalawang anak nito na sina Joshua at Bimby.
Nabanggit din ng Vice Governor ng Batangas sa Viber message na lahat ay good words ang sinasabi ni Kuya Ipe tungkol sa mag-iina.
At nang tanungin ko siya kong kelan siya babalik sa Amerika para dalawin ang girlfriend aniya ay “May 13 for Mother’s Day (May 14).”
Ten days daw siya sa Amerika.
Pero nabanggit nitong wala raw sa plano ni Phillip na dalawin si Kris na kasalukuyan pa ring nagpapagaling sa kanyang autoimmune diseases.
Naunang nabanggit ni Kris na blessing sa kanya ang pulitiko.
“You’ve been a blessing to be with me/us every step of the way since my birthday because you’ve seen the deep bone pain I endure, the hives and bruises that multiply when exposed to the wrong environment, and you worry together with Bimb, my team, and the rest of my adoptive Houston, OC, and LA families when my BP (blood pressure) starts rising and hits a triple whammy with the systolic at 150+, the diastolic at 105+, and my heart rate hitting 100, too,” sabi nito sa isang IG post.
“Your willingness to be here to see me through these difficult tests and nonstop doctors’ appointments has made me even more grateful to have gotten to know the real you better,” dagdag pa niya kung saan binanggit pa ng dating TV host na ang maraming photos in her recent health updates ay kuha ng pulitiko.
Heart nagpa-extend sa New Yorrk, Chiz naging sariwa ang hitsura
Nakabalik na sa bansa si Anne Curtis.
At kahit walang tulog, dumiretso siya sa It’s Showtime.
First day ulit ng programa nila sa noontime slot sa TV5 and Kapamilya Channel.
“Good morning Manilaaaaaaa! See you guys on Showtime today! It’s official! We are back on noontime starting today!!!!! ”
Matagal-tagal din kasi silang naging 1:00 p.m. bilang ka-back-to-back ng L.O.L. na nagbabu na sa ere last April 28.
Galing si Anne sa New York para sa reopening ng landmark store ng luxury brand na Tiffany & Co kung saan daw nagkaroon siya ng mini heart attack sa mga nakita.
“The moment I had a mini heart attack of all the beautiful floors and artwork at the Tiffany Landmark, there was one little corner that caught my eye and tickled my heart. If you know me, then you definitely know why definitely the sweetest surprise,” post ni Anne habang pinapakita ang ilang bahagi ng nasabing landmark store sa iconic movie na Breakfast in Tiffany.
Pareho silang invited ni Heart Evangelista.
Pero mukhang mas matagal pa si Heart sa New York.
Nag-post kasi ni Heart “I decided to keep the @tiffanyandco vibe throughout the week.”?
Nasa background niya ang isang Rolls-Royce car na same color ng iconic luxury brand na parang provided by the brand.
Kasama niyang nag travel sa New York si Sen. Chiz Escudero na parang mas naging bagets ngayon ang hitsura as in blooming.
Angelica, pinasyal ang partner at anak sa ABS-CBN
Ipinasyal ni Angelica Panganiban ang partner niyang si Gregg Homann at daughter nila sa ABS-CBN Building.
Kasabay nito ang pasasalamat ng actress sa network na naging tahanan daw niya sa loob ng 30 years.
“Last week i gave my family a tour. Inikot ko sila sa aking tahanan for 30 years. Nakabisita rin kami kay tita cory (vidanes) at ninong @direklauren (Lauren Dyogi) naging emotional ako ng konti.
“Namiss ko ang tahanan ko. Namiss ko ang mga kapamilya ko. Pero malaking pasasalamat at hinahayaan muna nila ko mag enjoy sa pagiging nanay ko ngayon” ang buong post ng actress na nag-umpisang child star sa network na kasalukuyang mas tutok sa pagiging content creator dahil sa hindi pagkakaroon ng franchise.