^

Pang Movies

Gardo, inokray ang ‘pumatay’ sa kanya!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Parang inokray ni Gardo Versoza ang nagpakalat ng fake news na pumanaw na siya nang mag-post ng kanyang larawan na nasa loob ng kabaong, inilabas ang ulo at nakabelat. Ang caption ni Gardo sa post niya ay “pumanaw na raw sa balita.”

Sa isa pa niyang post kaugnay pa rin ng fake news na pumanaw na siya, sabi ni Gardo, “buhay na buhay pa po ako cupcakes fake news yung pumanaw na. mag hi heels pa ako uli para sa inyo.”

Ang hindi fake news, sasailalim uli si Gardo ng angioplasty procedure sa June (yata), kaya ibinebenta ang kanyang gym equipment. Ideal daw sa condo ang gym equipment na ibebenta niya to raise funds for his 2nd angioplasty.

Pinuri nga siya ng netizens dahil hindi siya nanghihingi sa mga kaibigan sa showbiz at sa halip, ibinebenta ang gym equipment na hindi na siguro niya magagamit nang husto dahil sa kanyang angioplasty. Hindi rin daw ito umaasa sa mga magbibigay ng tulong at kumikilos sila ng kanyang asawa para makaipon ng malaki-laki rin namang amount.

Nawalan nga siya ng project dahil pinalitan siya sa Unbreak my Heart dahil hindi na mahintay kung kailan siya puwedeng mag-taping.

Sarah at Billy hataw sa FIBA, wini-wish mag-collab sa concert!

Napanood namin sa video ang performance nina Sarah Geronimo at Billy Crawford sa FIBA World Cup 2023 Draw at hahanga ka sa dalawa. Ang husay nila at ang husay rin ng back-up dancers nila, in sync at talagang sabay-sabay magsayaw.

Bale ba, ang napanood naming video, malayo ang kuha kaya kita mo ang movement ng mga nasa stage. Tanungan tuloy ang netizens kung wala bang balak ang Viva Artists Agency na pagsamahin sa concert ang dalawa?

Ni-repost ni Billy sa kanyang Instagram ang post ng GP Productions ng kanyang performance ng Bright Lights at mapapansin na kabilang sa mga nag-comment ay ang French supporters nito. Ang gandang basahin ng comment ng mga Pranses at maiintindihan dahil may translation.

Pokwang, may bagong jowa na?!

Nakakatuwa ang na-share na video ni Pokwang habang naglalaro ang anak na si Malia. Tinanong kasi ni Pokwang kung sino ang mga doll nito? Ang Barbie doll ay si Pokwang daw, si Ken ay “si John, my new dada.”

Kumpleto ang dolls ni Malia, meron siya at ang ate niya. Naloka lang si Pokwang dahil may name na si Malia sa bago niyang dada.

“Sino si John ha Malia? Imaginary dada? Hahahaha sige ipag pray natin yang si John para totoo na kailangan galing kay God para bongga.”

May mga nag-comment na ipagpe-pray nila si Pokwang na makatagpo ng taong totoong magmamahal sa kanya. Kahit hindi perfect, pero mamahalin siya pati ang kanyang mga anak. Sana rin daw, magkatotoo ang “John” na tinutukoy ni Malia.

Hindi natanong ni Pokwang si Malia kung saan galing ang pangalan na John at kung bakit ‘yun ang naisip niya? Saan narinig ni Malia ang John at ‘yun ang naisip na pangalan ni Malia.

Samantala, Amerikano talaga si Malia dahil malaki ang bulas at five years old, matangkad na siya. Isa pang kapansin-pansin sa bunso ni Pokwang, Inglesera talaga siya.

GARDO VERSOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with