Ang guwapo pa rin talaga ni Patrick Garcia, kaya tiyak na marami pa rin ang mag-aalok sa kanya ng projects kung gusto niyang magpaka-active uli sa pag-arte. Pero hindi pa siya sigurado. Mas gusto muna niyang mag-focus sa pelikulang gagawin niya sa Mavx Productions kasama sina Paolo Contis at Kaye Abad.
Sa nakaraang looktest ng kanilang pelikula, humirit kami ng tanong kay Patrick na nakahanda ba siyang humarap sa mga issue kung sakaling visible na naman siya sa showbiz.
“Wala naman akong issues e.
“Huwag na nating balikan ‘yung mga issues.
“Wala naman akong kaaway e,” pahayag niya.
Obvious na iniiwasan niya ang mga isyu niya noon lalo na ang sa kanila ni Jennylyn Mercado.
Pero ayaw na lang daw niyang pag-usapan pa ‘yun.
Maaaring iniiwasan na lang niyang pagbintangan siyang ginagamit lang si Jennylyn sa kanyang pagbabalik-showbiz
Hindi pa raw niya alam kung tatanggap na siya ng teleserye dahil halos araw-araw magtatrabaho.
Mas excited daw siya ngayon sa gagawin nilang pelikula, lalo na’t mga kaibigan niyang sina Paolo at Kaye ang makakasama niya.
CEO ng Beauty Wise, 18 years old lang!
Nakakamangha itong relaunching ng isa na namang beauty products na tinawag nilang Beauty Wise.
Ginanap ang press launch sa Luxent Hotel nung nakaraang Biyernes, at doon ay ipinakilala ang bagong CEO ng Beauty Wise na si Ms. Iya Tapulgo Galo.
Kaya nakakamangha, dahil 18 years old pa lang pala itong si Ms. Iya pero CEO na siya ng kumpanyang binuo ng kanyang ina.
Napakaganda pa ni Ms. Iya na puwedeng-puwedeng siya na ang mag-endorse ng mga produkto nila.
Pero ipinakilala na rin sa kanilang relaunching ang bago nilang endorser, ang Miss World 2021 na si Tracy Maureen Perez.
Napakaganda pala ni Tracy lalo na sa malapitan, at bumagay sa kanya ang mga produktong ini-endorse lalo na ang kanilang rejuvenating facial toner na hiyang na raw sa kanya.
Doon na rin tsinika sa amin ni Tracy na sinisimulan na raw ng manager niyang si Arnold Vegafria ng ALV ang paghahanda sa kanyang pagpasok sa showbiz.
Gusto na rin daw niyang subukan ang pag-aartista kaya nasasalang na siya sa ilang acting workshops at guestings sa ilang programa. Gusto raw ni Tracy na sundan ang career path ng kaibigan niyang si Rabiya Mateo.