Daniel, nasabik gumawa ng pelikula
Na-miss ni Daniel Padilla ang paggawa ng pelikula kaya naman ngayong taon ay sunud-sunod ang kanyang isu-shoot.
Inanunsyo ni Daniel at ng Star Cinema sa “New Movie Alert” vlog ng produksyon na tatlong malalaking pelikula ang nakatakdang gawin ng aktor ngayong taon.
Ayon sa aktor ay sobrang excited siya sa mga proyekto dahil pinag-usapan nila ng Star Cinema at sila mismo ang pumili ng materyal.
Ang unang project na gagawin ni DJ ay isang psychological suspense thriller titled The Guest with John Arcilla na first time raw niyang makakatrabaho.
“I’m so very happy and very honored, ang makakasama ko rito, eh si Sir John Arcilla,” sey ni DJ.
Nang una raw niyang mabasa at malaman ang istorya ng The Guest ay talagang nagustuhan na niya ito. Aniya ay matagal na niyang gustong gumawa ng ganitong klaseng pelikula.
Ang naturang pelikula ay mula sa direksyon ni Direk Jerrold Tarog at written by Patrick Valencio.
Up next ay ang pelikulang Nang Mapagod Si Kamatayan na hango mula sa short story sa libro ni Ricky Lee na Kung Alam Niyo Lang Ang Gagamitin sa Pelikula.
Dito ay ang kaibigan niyang si Zanjoe Marudo naman ang makakasama niya na first time rin niyang makakatrabaoho kaya sobrang excited din ni Daniel.
Sey ng aktor ay matagal na raw silang nangangarap ni Zanjoe na gumawa ng pelikula together.
“Kaya noong binanggit ito sa akin, ito nang malaman ko ‘yung project, sino bang gusto kong makasama dito? Alisin na natin ‘yung pagkakaibigan, bilang aktor lang , si Z, alam natin kung anong standard niya sa pag-arte, kumbaga, ‘yung pagiging aktor niya.
“Kaya kesa isipin ko na dahil kaibigan ko siya kaya kami magkasama dito, hindi. ‘Yung kalidad ng ginagawa ni Z, tinanggap natin ‘to,” sey ni Daniel.
Maging si Zanjoe ay very happy na makasama ang kaibigan sa isang pelikula.
“Masayang-masaya ako dahil ito ‘yung comeback movie ko sa Star Cinema. Siguro after four or five years ‘yung huli kong project sa kanila. And sobrang espesyal din nito dahil matalik na kaibigan at kapatid ko ‘yung makakasama ko sa pelikula,” sabi ni Z na dumalo rin sa announcement.
Ang nasabing pelikila ay ididirehe ni Dan Villegas mula sa panulat ni Carmi Raymundo.
The third and last film na gagawin ni Daniel this year ay kasama naman niya ang ka-loveteam at girlfriend na si Kathryn Bernardo mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Ani Daniel ay hindi raw pwedeng mawala ang KathNiel movie siyempre at matagal na nga raw silang kinukulit ni direk Cathy.
“It’s been a while, galing kaming serye (2 Good 2 Be True) pero it’s been a while na makita tayo sa boxoffice ulit. Masyado nang nakaka-miss manood ng pelikula ulit,” wika ni Daniel.
“Hindi kasi natuloy ‘yung huli naming gagawin (ni Kathryn) pero nag-evolve na siya, eh to this. Ito na.
“May mga rason ‘yung mga bagay, eh, kaya hindi natutuloy o hindi man nangyayari,” dagdag pa niya.
This time ay totoo na raw at final nang gagawin nila ang movie na hindi pa sinabi kung ano ang title. Bago raw ang mga gagawin nila ni Kathryn in this film.
“Medyo matrabaho pero very exciting,” sey pa ni Daniel.
- Latest