Tito Sen, may inamin sa totoong may-ari ng EB   

Tito Sen

Sa panayam ni Nelson Canlas kay Tito Sotto ay sinagot ng veteran host/comedian ang tanong kung sino ba talaga ang nagmamay-ari ng Eat Bulaga.

Ayon kay Tito Sen, kung copyright daw ang pag-uusapan ay silang tatlo nina Joey de Leon at Vic Sotto (TVJ) ang may-ari dahil si Joey raw ang nakaisip ng title ng show.

“If it is a copyright issue, definitely, it is owned by Joey de Leon and the three of us. Siya ‘yung nag-imbento ng pangalan, e.”

Aniya pa, “If  you are talking about Eat Bulaga, it’s owned by Joey de Leon and Tito, Vic, and Joey. Now, if you are asking about TAPE, TAPE is owned by them.”

Recently, it was revealed by Bullet Jalosjos sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda na ang pamilya nila ang nagma-may-ari ng 70% ng Television and Production Exponents, Inc. or TAPE at 20% naman daw ang kay Tony Tuviera na dating Presidente and CEO ng nasabing kumpanya na siyang producer ng Eat Bulaga.

Sanya, kinikilig din kina Barbie at David!

Kahit si Sanya Lopez na kapatid ni Jak Roberto ay happy sa success ng loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.

Siyempre, boyfriend man daw ni Barbie ang Kuya Jak niya, iba naman ang career.

“Actually, ‘yung kuya ko, proud kay Barbie and kay David, but siyempre, nagkakataon na… siyempre, boyfriend ‘yun, na ganu’n,” sey ni Sanya nang makausap namin sa grand opening ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center kung saan ay isa siya sa ambassadors along with Ellen Adarna.

Dagdag pa niya, “hindi ko alam kung nagseselos ba ‘yung kuya ko, wala naman siyang sinasabi sa akin. Pero happy siya, nakikita kong happy siya kay Barbie.”

Ayon pa kay Sanya, maging siya ay kinikilig naman talaga sa FiLay loveteam.

 Just like Barbie ay friend din daw niya si David at mabait na tao raw ito.

“Okay naman si David, as in mabait namang tao si David, marespetong tao, and same with Barbie. Si Barbie naman, naging kaibigan ko din. Mas una ko ngang nakilala si Barbie compared kay kuya, naging best friend ako ni Barbie sa The Half Sisters and si Barbie, napakahusay na artista niyan,” papuri ni Sanya sa GF ng kanyang Kuya Jak.

Basta kung anuman daw success ang marating nina Barbie at David ay suportado nila.

Show comments