Anak nina Billy at Coleen, memoryado ang mga pangalan ng bulaklak

Billy at Coleen, Amari

Ang galing naman ng anak nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari!

Ipinakita ni Coleen sa kanyang Instagram reel ang nakaka-impress na memorization skill ng two-year-old son nila. Makikita sa video na binibigyan nito si Coleen ng bulaklak.

Sa caption ni Coleen, akala niya mali si Amari sa sinabing pangalan ng flower pero ‘yun pala ay siya ang nagkamali at tama ang sinabi ng anak.

Noon pa man ipino-post na ni Coleen kung gaano kahilig ang anak sa mga bulaklak. Nagsimula lamang daw itong manood ng YouTube video halos isang taon na ang nakalipas. Mahigit 100 na bulaklak at mga pangalan ng mga ito at marami raw ang nakabisado nito!

Mukhang hindi raw agad lilipas ang pagkahilig nito sa mga bulaklak dahil obsessed pa rin daw ito. Marami naman ang bumilib kay Amari at mukhang lalaki pa raw itong botanist.

Marami namang netizens ang cute na cute rito. Wish nga daw ng mga ito na masundan na ang anak nina Coleen at Billy dahil sayang daw ang magandang lahi ng mga ito.

Hindi imposible na paglaki nito ay pasukin din nito ang showbiz tulad ng kanyang mga magulang lalo na at ngayon pa lang ay lutang na ang kaguwapuhan nito at matalino pa. Bongga.

Show comments