Para kay Tito Sotto, nakakasakit ang salitang “mare-retain” ang TVJ (Tito, Vic Sotto & Joey de Leon) sa Eat Bulaga at hindi raw ito ang tamang salita.
“Masagwang pakinggan sa amin ‘yung mare-retain kami,” pahayag ng dating Senate President sa kanyang panayam with Nelson Canlas.
“Para bang pwede kaming sipain. Eh kami nga ang Eat Bulaga, eh. Kaya ‘yung mga ganu’ng salita, my unsolicited advice to them is mag-ingat naman kayo sa mga bitaw ng salita dahil nakakasakit ang mga salita ninyo,” he added.
Patuloy pa ni Tito Sen, “kami, pigil na pigil kami. Ang tagal na naming gustong ilabas lahat ‘yan pero pinipigil namin, pagkatapos biglang babanatan n’yo kami ng ganyan.”
Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagpa-interview sa Fast Talk With Boy Abunda si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos, chief finance officer of Television and Production Exponent (TAPE) Inc. na siyang producer ng Eat Bulaga for more than four decades now at isa nga sa nabanggit nito ay hindi mawawala ang TVJ sa EB.
“Bibitawan kami ng salitang ire-retain kami? Huh? Para namang napakakawawa namin, hindi ba? I think it’s improper. That kind of statement is improper,” sabi ni Tito Sen.
Hangga’t maari raw ay iniiwasan muna sana nilang magpa-interview sa media dahil umiiwas sila sa controversy. At ‘yun din daw ang naging agreement nila ng TAPE, Inc. few days back.
Pero nagulat daw sila nang biglang magpa-interview ang isang miyembro ng korporasyon at marami sa binitiwang pahayag ay ‘false statements’ and ‘inaccurate.’
“We’re having this conversation because all of a sudden, one member of the corporation, an officer of the corporation, was interviewed and was not accurate.
“As a matter of fact, there were false statements that were made. So we would rather, and with the consent of Vic and Joey, that we would rather explain and elaborate or perhaps give light to what is true on some of these statements that were made. Iyon ang dahilan.”
Isa sa binitiwang salita ni Jalosjos sa Fast Talk with Boy Abunda ay financially stable raw ang kumpanya at nakapagbabayad naman daw ng talents.
“I want to assure everyone that we are financially stable. The company is okay. We’re doing good. We can pay our talents. We can pay GMA so wala po tayong talagang problema when it comes to money,” wika ni Bullet.
Pero iba naman ang pahayag ni Tito Sen. Aniya, “ang sabi sa amin, nalulugi daw. Kailangan daw baguhin ang nagpapatakbo at kailangan daw i-reinvent ang Eat Bulaga. At meron daw mga portions na bored sila. I have the videos and statements to prove that na.”
Ini-reveal din ni Tito Sen na malaki ang utang ng TAPE, Inc. kay Vic and Joey.
“Ang laki ng utang kay Vic at kay Joey. Mahigit tig-P30 million ang utang sa kanila, for 2022 alone,” aniya.
Sa huli ay sinabi ni Tito Sen na dalawa lang daw ang pwedeng patunguhan ng Eat Bulaga sa ngayon.
“One is leave it as it is. Ika nga, as I’ve said earlier, let sleeping dogs lie. It’s doing well. Leave it alone. Ganu’n ‘yun, eh. That’s one road to take.
“The other road is hindi na tayo puwedeng magsama pagka ganu’n,” deklara ni Tito Sen.
Samantala, bukas naman ang Pang-Masa sa panig ng mga Jalosjos tungkol sa mga naging pahayag ni Tito Sen.