Beks Battalion, may pelikula na
Magbibida na sa pelikula ang Beks Battalion na binubuo ng mga beki comedians sina Chad Kinis, MC Calaquian, at Lassy Marquez.
Ang title ng kanilang movie ay Beks Day of Our Lives at mapapanood na ito sa mga sinehan on May 17. Si Chad Kinis ang direktor nito.
Ayon kay Kinis, hindi inasahan na darating pa ang matagal na niyang pangarap na maging isang direktor sa pelikula.
“It’s so surreal, super-duper happy. Kasi ‘yun talaga ang pangarap ko. I love writing and I love directing because hindi sa akin innate ang pagiging komedyante, na magpatawa. But I have this always rush of ideas in my mind that I want to execute. Of course, if you are just thinking of those ideas and don’t do it, it will stay as only ideas. Hindi mo na-share, masasayang siya.”
Sa paggawa nga raw nilang tatlo ng movie, masayang-masaya lang daw sila.
Wala raw negative vibes sa paligid. Deserve raw nila ito ang break na ito after nilang maging support sa mga pelikula ni Vice Ganda at ng iba pang Viva stars.
Makakasama rin nila sa pelikula sina John “Sweet” Lapus, Debbie Garcia, Ruby Ruiz, at marami pang iba.
Mavline, may susunod na gagawin!
Dahil sa success ng pinagtambalan na digital series nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na Zero Kilometers Away, muli silang magsasama sa bagong Wattpad kilig series na Love At First Read.
Excited na ang MavLine fans dahil sa bagong teleserye ng dalawa na tatalakay sa young love na mapupuno ng saya at kilig sa mga characters nila na sina Kudos at Angelica/Abby.
Love At First Read ay sinulat ni Chixnita na nagkaroon ng 23.3 million reads sa Wattpad.
Alec Baldwin, na-dismiss sa kasong manslaughter
Na-dismiss ang kaso na manslaughter laban sa Hollywood actor na si Alec Baldwin dahil sa naganap na fatal shooting sa set ng pelikulang Rust noong 2021.
Hawak ng aktor ang isang Colt .45 handgun during reherasals nang bigla itong pumutok at napatay ang cinematographer na si Halyna Hutchins at nasugatan naman ang director na si Joel Souza.
Ayon sa New Mexico court: “The case on Baldwin is dismissed without prejudice. But investigations remain active and on-going into the death of cinematographer Halyna Hutchins during the filming of the Western Rust in New Mexico in 2021.”
Noon pa sinabi ni Baldwin na hindi niya hinawakan ang trigger ng baril at basta na lang ito pumutok noong ibigay sa kanya. He pleaded “not guilty” sa mga kinaso sa kanya.
Ongoing naman ang criminal case ni Hannah Gutierrez-Reed, ang armorer na responsable sa mga weapons sa set ng pelikula.
- Latest