Wala pang P200 ang gastos... Jeric at Rabiya, nag-food trip sa carinderia!
Maraming humanga sa mag-sweetheart na Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, na sa paborito nilang carinderia nila sila nag-celebrate ng kanilang monthsary.
May mga nakakita sa dalawa sa Aling Tenyang’s Carinderia in Sampaloc, Manila.
Pinost din ito ni Rabiya sa kanyang TikTok habang kumakain siya ng lugaw, si Jeric, ng pares, lumpia at tokwa’t baboy.
Caption ni Rabiya: “sulit ang P 177.00 namin, enjoy at busog na busog kami. Simple thing can be special when you have the right person in your side.”
Hindi raw iyon ang first time na kumain sila ni Jeric sa nasabing carinderia.
Nasa last two weeks na lamang mapapanood si Jeric sa primetime series nila nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia,Vin Abrenica, and Sanya Lopez, ang Mga Lihim ni Urduja sa GMA-7. Si Rabiya naman ay tuluy-tuloy na ang taping ng Royal Blood with Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na malapit na ring mapanood.
Carla, mas naging maligaya nang mawalan ng asawa
Napapangiti na lamang si Kapuso actress Carla Abellana kapag nababati siya na bakit parang mas lalo siyang gumanda ngayon, parang wala raw siyang pinagdaanang problema noon, tuloy biniro siya kung in love ba siya muli ngayon.
Happy raw lamang siya ngayon dahil tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya, kahit nga dumaan tayo sa pandemic.
Isa ngang hindi niya malilimutan ay iyong nang alukin siyang gumanap bilang Dr. Mary Ann Armstrong, isang scientist at ina ng three Armstrong brothers sa first-ever live-action adaptation of the phenomenal Japanese anime, ang Voltes V Legacy.
“How can I say no, pero sinabi ko sa kanilang may ginagawa pa akong teleserye that time, kung mahihintay ba nila ako,” kuwento ni Carla. “Maghihintay daw sila sa availability ko, at totoong naghintay sila, kaya I’m very thankful. I’m working with Dennis Trillo as Ned Armstrong, hindi ko naramdaman ang pagod dahil very welcoming ang production staff at I’m working with young but talented actors. I’m thankful din sa magandang result ng #V5LegacyThe Cinematic Experience.”
May mga nagpapa-block-screening din pala nito sa mga sinehan at maraming nagtatanong kung hindi na raw mai-extend ang cinema screening dahil sa May 8 pa naman ito mapapanood sa GMA-7, 8:00PM, after ng 24 Oras.
- Latest