Dingdong at Marian, hindi sasawaying mag-showbiz ang mga anak

Zia, Marian, Dingdong at Sixto

Nakakatuwa naman ang mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Inuumpisahan na nilang ipapanood sa mga anak lalo na kay Zia ang iba nilang nagawang proyekto.

Ipinapaintindi na nila sa mga anak ang kanilang trabaho bilang mga artista.

Gusto nilang ipakita na ipinagmamalaki nila ang trabaho nila.

Inamin ng aktor na napag-usapan nila ni Ma­rian kung itatago ba nila ang mga anak mula sa realidad sa showbiz pero wala nga naman daw silang dapat itago dahil marangal ang kanilang trabaho na nakakapagbigay ng pagkain sa kanilang mesa at marami silang napapasayang Pinoy.

Ayon din sa Family Feud host, pagdating sa tamang edad nina Zia at Sixto, hahayaan na nilang mag-asawa na magpasya ang mga ito kung magugustuhan ding pasukin ang showbiz na hindi imposible dahil ngayon pa lang mukhang interesado na ang mga ito.

Hindi na kailangan ng build kung sakali nina Zia at Sixto.

Parang natural na sa kanila ang pagiging artista ‘pag nagkataon.

Talagang tutok ang mag-asawa sa pagpapalaki sa dalawang anak.

Kaya naman kapuri-puri ang kanilang ginagawa.

Show comments