Boobay, madalas magka-silent seizure!

Boobay

Sa pagsisimula ng Fast Talk with Boy Abunda last Friday kung saan si Dingdong Dantes ang guest ay una nilang napag-usapan nila ang nangyari kay Boobay sa mismong show sa live guesting ng komedyante last Thursday.

Nag-alala si Dingdong nang mapanood niya ang clip kung saan nga ay parang nag-hang si Boobay habang tinatanong ni Kuya Boy. Nakahalata agad ang King of Talk na may hindi magandang nangyayari sa komedyante kaya nag-pause muna sila at pina-check sa nakaantabay na medical team ang kanyang guest.

Kinumusta ni Dingdong kay Kuya Boy si Boobay at tinanong kung ano ba talaga ang nangyari.

Ayon kay Kuya Boy, a day before Boobay’s guesting (Wednesday) ay nakarating sa kanila ang balitang nagkaroon ng mild stroke ang komedyante although medyo unclear pa raw sa kanila.

Gusto raw sana niyang i-postpone muna ang guesting ni Boobay at gusto niyang maka-reco­ver muna ito. Pero nagpasabi raw ang komed­yante na gusto nitong mag-guest and excited na nga raw.

So, natuloy na nga ang live guesting. During the interview ay masaya raw sila at nagtatawanan pa’t wala raw anumang senyales na masama ang pakiramdam.

Pero matapos daw i-reenact ni Boobay ang audition piece sa GMA kung saan ay ginagaya nito si Rufa Mae Quinto, napansin ni Kuya Boy na naging tahimik na raw ang komedyante. At first ay inakala raw niyang nagiging emosyonal lang ang kanyang bisita.

“After a few seconds, instinct, eh. Sabi ko, something is wrong. Kaya (tinanong ko), ‘are you okay?’ Siguro, mga 2, 3 beses,” kwento ni Kuya Boy.

Nilapitan na ng TV host si Boobay at niyakap na niya ito dahil nga, he felt that something was wrong.

Tumawag daw agad sila ng tulong mula sa medical team at hindi raw niya iniwanan ng tingin si Boobay at kinausap nila’t pinagpahinga.

“After a few minutes, mga 2-3 minutes, he was back,” sey ni Kuya Boy.

Dito na raw niya nalaman na madalas pala itong mangyari kay Boobay na ang tawag ay ‘silent seizure.’

“He is used to this. Na ang sabi raw ng kanyang doktor after he had that stroke in 2016, na ‘magkakaroon ka ng mga silent o mild seizure pero ang gagawin mo lang, kumalma ka and then, be still. After a while, babalik ka rin,’” kuwento ni Kuya Boy.

Ayon sa TV host ay first time raw niyang naranasan ang ganu’n in his TV career at ipinagdasal na lang daw niya nang time na ‘yun na maging present in the moment.

Thankfully ay umokey na si Boobay at bagama’t iminungkahi niyang huwag na nitong ituloy ang gues­ting at magpahinga na lang ay nag-insist daw ito na na tapusin ang show at sinabing okay na siya.

Sa madaling-sabi ay maayos namang natapos ni Boobay ang show at okay naman daw ito. Muli raw itong ineksamen sa studio pagkatapos ng programa at normal naman daw ang vitals nito. After 30 minutes ay umalis na ito sa studio.

Si Boobay pa raw ang panay ang apologize sa kanila kaya hangang-hanga ang TV host sa komedyante at sa pagmamahal nito sa trabaho.

 

Show comments