Dagul, hindi pa rin nakakahanap ng regular na trabaho
Dumating sa matinding pagsubok ang komedyanteng si Dagul (Romeo Pastrana in real life) at ang kanyang pamilya nang mawalan siya ng trabaho dahil sa pandemya at hanggang ngayon ay dumaranas pa rin siya sa struggle dahil wala siyang regular na pinagkakakitaan.
Thirteen years naging bahagi si Dagul sa now-defunct at long-running kiddie gag show na Goin’ Bulilit kung saan gruma-graduate ang mga batang miyembro ng program kapag umaabot at a certain age pero si Dagul lamang ang hindi natatanggal.
Sa madaling salita, si Dagul ay naging mukha ng Goin’ Bulilit na binuo at pinamahalaan ng veteran singer, actor-comedian at director na si Edgar ‘Bobot’ Mortiz sa bakuran ng ABS-CBN.
Bago pa man namaalam ang Goin’ Bulilit sa ere bago ang pandemic at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, nag-resign na siya sa programa para muling tumakbo sa pagka-kagawad sa kanilang lugar sa Rodriguez, Rizal pero hindi siya pinalad. Naging kagawad na rin siya noon sa nasabing lugar sa loob ng dalawang termino o anim na taon.
Dagul and his wife of 40 years na si Aljen ay may apat na grown-up children na sina John Rojen, John Clieff, John Jhero at Jkriez. Sa kanilang apat na anak, ang kanilang bunso at kaisa-isang anak na babae na si Jkriez ang nagmana ng kondisyon ni Dagul pero napaka-talented nito. She sings, acts at isang TikToker with almost 1M ang followers. Ang panganay ay may sarili nang pamilya at may dalawang anak habang ang tatlo ay nag-aaral pa.
Si Dagul ay discovery nina Willie Revillame at Randy Santiago nang manood minsan sa programa si Dagul.
Suicide rate, tumataas ayon sa pag-aaral!
Mataas ang suicide rate among the K-Pop idols and artists sa South Korea at ito’y dahil na rin sa depression, mental illness, cyber bullying, personal attacks, pagiging vulnerable ng mga ito sa kritisismo at stress sanhi ng kanilang trabaho bilang singers, performers, actors, hosts at iba pa ayon sa mga pag-aaral.
Marami ang nabigla sa maagang pagkamatay ng K-pop star at miyembro ng Astro boy band na si Moonbin nung nakaraang April 19 at suicide ang itinurong dahilan.
Bago ang sinasabing pagpapakamatay ni Moonbin, nangyari na rin ito sa iba pang K-pop artists tulad nina Lee Hye-ryeon na mas kilala as U;Nee. Isa siyang singer, rapper, actor at dancer. Natagpuan na siyang patay sa loob ng kanyang bahay sa Seo-gu.
Lee Seo-hyun was 30 nang siya’y mag-suicide matapos siyang magbigti sa loob ng recording studio. Siya bale ang lead singer ng K-pop group na M Street.
Park Yong-ha was 32 nang ito’y magbigti sa tulong ng isang electrical cord. He was a break-out TV star sa TV drama series na Winter Sonata.
Suicide rin ang ikinamatay ni Ahn So-jin sa edad na 22 na isang K-pop soloist matapos itong tumalon sa ika-10th floor ng kanyang apartment dahil sa depression.
Ang isa pang K-pop artist na nagpakamatay ay si Kim Jong-hyun (27), ang lead singer ng popular boy band na SHINee. Isa rin siyang soloist at depression din ang dahilan kung bakit tinapos niya ang kanyang buhay.
Suicide rin ang dahilan ng pagkamatay ni Choi Jin-rin (aka Sulli) – 25 na member ng K-Pop group na f(x). Isa rin siyang solo artist. Natagpuan din siyang patay na sa loob ng kanyang bahay. She was 25.
Goo Hara was 28 nang siya’y sumakabilang-buhay. She’s a singer, actress at dating member ng all-female group na Kara.
Naka-survive siya sa una niyang suicide attempt pero six months later ay natagpuan na rin siyang wala nang buhay sa kanyang bahay.
Ang cyber bullying or bashing ay usong-uso rin sa Pilipinas at marami rin ang nagsa-suffer ng depression at mental illness dahil dito at iba pang dahilan.
Sana gamitin natin ang iba’t ibang platform ng social media sa positibong paraan kesa manira sa ating kapwa na hindi naman nakakatulong at nagkakaroon pa ng adverse negative effect sa mga tao.
- Latest