Inaasahan na ng singer-songwriter na si Tiana Kocher na iko-compare siya ng mga tao sa ibang miyembro ng kanyang pamilya na nasa pag-awit din tulad na lamang ng pinsan niyang si Chris Villonco, ang yumaong lola na si Armida Siguion-Reyna. Alam naman daw niyang hindi talaga maiiwasan ito.
Pero magkakaiba naman daw ang genres nila and definitely ay nilu-look up daw niya ang mga ito especially ang kanyang lola Armida.
Humarap sa entertainment press kahapon si Tiana sa mediacon na ginanap sa Delimondo Café sa Makati.
Tiana came from a family of artists and politicians dahil bukod sa pinsang si Cris at lolang si Armida, lolo niya rin si dating Senate president Juan Ponce-Enrile, uncle niya ang direktor na si Carlitos Siguion-Reyna at anak siya ni Katrina Ponce Enrile.
Pero kahit na nga ba galing siya sa prominenteng pamilya, she’s making a name of her own.
She has over 6 million streams as an independent artist at ang kanyang debut single na Just My Type ay pumasok sa Top 40 Indie Chart followed by Paint the Town and Swing Batter which appeared in the Croc commercial for the motion picture What Men Want.
Not only that dahil ang kanyang record na U Tried It, released in October 2019 was produced by four-time GRAMMY nominated record producer RoccStar.
Nakipag-collaborate na rin si Tiana with several GRAMMY award winning recording artists including TLC, Faith Evans, Sage the Gemini, Aj McLean of the Backstreet Boys, Citizen Queen, Bobby V, ASAP Rocky and Latin artist J. Alvarez among others, as well as multiple award-winning songwriters in both mainstream pop and R&B.
She’s also a recent graduate of the prestigious entertainment school Full Sail University obtaining a bachelor’s degree in Music Business. She also has an associates degree in Musical Theatre from the Cambridge School of Visual and Performing Arts. She is a part of Grammy U as well as the National Society of Collegiate Scholars.
Noong April, 2020, nakipag-team up si Tiana with social media giant TikTok during COVID-19 para sa 30-day charity and community driven contest kung saan ay magsasayaw ang mga tao sa kanyang single na Don’t Trip.
Ang #DontTripChallenge na ito ay nakalikom ng mahigit PHP158,500 for both the Philippine and American Red Cross, and generated over 12 million views.
Sobrang hilig sa K-Dramas... Bea, nag-Korean lessons!
Isa na rin si Bea Binene sa mga artistang nahihilig sa Korean dramas and K-pop singers/groups. Nagsimula raw ito noong kasagsagan ng pandemic na wala siyang ginagawa at nasa bahay lang.
Lagi raw siyang nanonood ng K-dramas at ito rin ang dahilan kung bakit nag-take siya ng Korean lessons. Nagpasampol pa nga siya ng Korean words na natutunan niya.
Nakausap namin si Bea sa mediacon ng romance-drama series na The Rain In España na first project niya sa Viva.
When asked kung sino ang mga favorite niyang Korean actor and singer, sey niyang natatawa, “sasabihin nila mahaba po ang pila.”
She revealed na ang iniidolo niyang K-pop group ay ang BTS at nasa military pa raw ang kanyang bias na si Jin.
Sa Korean actor naman ay si Park Seo Joon ang kanyang bet at nanonood daw siya ng variety show na Jinny’s Kitchen kung saan kabilang ang aktor. Nagpapa-deliver pa raw siya ng mga Korean food na napapanood niya sa nasabing show.
Dream daw niya na makasama ang mga iniidolo niyang ito sa isang proyekto.
“Pero siyempre, dream naman, why not, ‘di ba?” sambit niya.
Anyway, back to work na nga si Bea matapos niyang lisanin ang GMA Artist Center at lumipat sa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA).
Excited siya sa The Rain in España at nag-enjoy raw siyang katrabaho ang buong cast tulad nina Heaven Peralejo, Marco Gallo at iba pa.
“Pero nakakapanibago rin po kasi 18 years po ako sa GMA and siyempre, kumbaga, overwhelming nu’ng una na parang shucks kasi siyempre, parang back to zero ako. Siyempre, kailangang magpakilala ulit. I mean, kasi siyempre, hindi ko alam kung sino ‘yung sa prod (production), ganyan, kung saan ba ako pupunta, kung saan ba ang office?
“Nu’ng una po, nakakapanibago pero nakakatuwa po talaga,” ani Bea.
Mapapanood na ang The Rain in España ngayong May 1 sa Viva One streaming app. Mula ito sa direksyon ni Theodore Boborol.