Julia Clarete, buhay barangay muna!

Nilinaw ng former Eat Bulaga Dabarkads na si Julia Clarete na nandito lang siya sa Pilipinas at wala sa ibang bansa. “Oo, I chose to prioritize my family. It’s complicated kaya hanggang doon lang masasabi ko!” bungad ni Julia nang makausap namin sa screening ng Net 25 series niyang Barangay Mirandas ng Kapitana Productions ng friend naming si Rosanna Hwang.

Eh nagkakakilala sina Julia at Rosanna through a common friend kaya naman nang makilala ito ng producer-director, hindi na niya ito pinakawalan.

Sa pag-uusap namin ni Julia, open naman siya sa pagtatrababaho sa showbiz. Puwede pa rin siyang mag-guest sa Eat Bulaga gaya ng ginawa niya sa 40th celebration show ng EB.

Isang barangay chairman ang role ni Julia at kapareha niya ang aktor na si John Medina na nakalabas na sa Ang Probinsyano. “Basta okay sa oras ko, puwede pa naman akong umarte. Basta walang conflict lalo na sa schedules ng anak ko,” sabi ni Julia.

Tuwing weekends mapapanood ang Barangay Mirandas sa hapon at buhay barangay ay kaso kaugnay nito ang nais ipakita ni Kapitana Hwang.

Apo ni Manong Johnny, inaming hirap sa pagsisimula sa showbiz

Matigas ang ulo at hirap sa pagsisimula sa showbiz ang baguhang singer na si Tiana Kocher, anak ni Katrina Enrile at apo ng senador Manong Johnny at Armida Siguion Reyna.

Maganda ang boses ni Tiana na ang feeling ng media na dumalo sa kanyang launching eh minana sa Lola na si Armida.

Ngayon nga eh gusto niyang subukan ang singing career sa bansa matapos umikot sa maraming shows sa Amerika.

Dream niyang maging bahagi ng musical event na Coachella sa Amerika upang ipagmalaki ng husay ng Pinoy artist!

Show comments