Billy, swak sa Net25?!
Hindi dahil friend natin si Pat-P Daza pero talagang hanga ako sa pagiging smart at articulate niya. Aside from napaka-competent niya at maayos sa schedules. Masarap siyang panoorin sa TV kaya hindi kataka-taka na marami siyang programa sa Net25.
Napakasuwerte nina Atty. Dimples at Papa Cesar na nasa rooster ng talents ng Net25 si Pat-P. Meron pang dalang luck si Pat-P dahil ngayon parang maingay na maingay na ang Net25 at mukhang magiging commercially TV station na matagal nang pangarap ng Net25.
Dapat talagang maging in competition na ang istasyon dahil magagandang show naman ang lumalabas mula sa network. At kung titingnan mo, talagang lahat ginagawa nila para magustuhan ng audience ang inilalabas nila.
May suggestion ako, bakit hindi kunin ng Net25 si Billy Crawford para sa isang show. Napakahusay ni Billy na sayang at nawala na ang Lunch Out Loud. Sana mabigyan pa siya ng show sa Net25. Isang magandang talk show para sa kanila ni Pat-P, why not ‘di ba? Parehong pleasant at articulate, magandang combination, pag-isipan n’yo, Atty. Dimples at Papa Cesar.
‘Tukso sa pagkain’
Ewan ko kung bakit lately may craving ako sa Hainanese chicken. Type na type ko ‘yung sa Tiong Bahru dahil like ko ‘yung sweet soy sauce nila. Second fave ko ‘yung sa Papa Kong na napaka-professional ‘pag nag-order ka.
Kaya naman tuwing type kong mag-blowout, sa Papa Kong ako nag-o-order dahil bukod sa reasonable siya at masarap, iyon nga very professional sila. Dahil nga sa lagi akong nasa bahay at laging telepono na lang hawak ko, ang dami ko nang na-order na pagkain online. ‘Yung iba palpak, ‘yung iba talagang babalikan mo, ‘yung iba natuwa ka na na-discover mo.
Talagang very PG ako lately kaya naman pagkain ang talagang comfort zone ko.
- Latest