^

Pang Movies

Juday naudlot ang pelikula sa Canada, gagawa muna ng teleserye   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Juday naudlot ang pelikula sa Canada, gagawa muna ng teleserye            
Juday

Nag-post si Judy Ann Santos sa kanyang Instagram story na hindi siya natuloy umalis patungong Canada para mag-shooting ng movie niyang The Diary of Mrs. Winters, na isang horror-drama thriller na pagtatambalan nila ni Sam Milby, at ididirek naman ni Rahyan Carlos and to be produced by AMP Studios Canada, at HappyKargaFilms.

Dapat pala ay noong March pa lumabas ang work visa niya, para makaalis siya, pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito dumarating. “Kaya malamang na ma-push back na ito next year,” say pa ni Juday. “But all is good, all the production is good, siguro sadyang hindi pa lang naaayos ang lahat.”

Ang balita namin, baka gumawa muna ng isang teleserye si Juday, habang hinihintay maayos ang working visa nila.

Perry at Kris, may pa-reveal pati pangalan ng anak

Surprise pa ulit ng mag-asawang Perry at Kris (Bernal) Choi ang napili nilang name ng baby girl nila na gusto na raw agad bihisan ni Kris.

Gusto rin daw niya sana ang baby boy para may kalaro raw ang iba niyang mga pamangkin. 

Ang name ng baby girl nila ay ia-announce nila kapag ginawa na nila ang baby shower, at magiging bigger celebration daw ito kaysa sa isinagawa nilang gender reveal.

Carmina, ‘di inasahang magtatagal sila sa hapon ni Jillian

Natanong si Carmina Villaroel kung hanggang kailan pa nila mapapanood ang GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap na pinagbibidahan nina Carmina at Jillian Ward? Totoo bang extended ito indefinitely?

“We are just very thankful kung patuloy pa rin itong mapapanood, kasi una pa lamang wala naman kaming expectations na tatagal ang serye (na sinimulan pa noong September, 2022).Ginagawa lamang naman namin ang trabaho namin,” nakangiting sagot ni Carmina. “Salamat, siguro ay maganda talaga ang project, ang story, at siguro nga ay nakaka-relate ang mga viewers, kaya in our part, ginagawa naman namin ang trabaho namin. Salamat kung marami kaming nai-inspire, kaya maraming salamat dear God.”

Marami na kasing nagiging special guests sa serye at hindi naman ito lumalayo sa story, kaya may mga nagsa-suggest pa ngang viewers kung sino ang gusto nilang mai-guest ng show. 

Ang Abot-Kamay na Pangarap ay napapanood Mondays to Saturdays, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA 7.

JUDY ANN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with