Tuluy-tuloy lang ang pag-aaral ng singer-actor na si Ronnie Liang. Kahit na meron na itong master’s degree in management, kumukuha ito ngayon ng PhD in Development Administration majoring in Security Development sa Philippine Christian University.
Nasa plano raw nito na kunin ang mga kursong ito noon pa. Nagkaroon lang daw ng delay dahil sa pagsabak niya sa showbiz.
“Noong nasa college pa lang ako, plan ko na talaga mag-master’s degree then mag-PhD. Naging busy lang noon kaya na-delay. Now I have all the time and means to study now, kaya talagang tatapusin ko itong PhD,” sey ni Ronnie.
Naisip nga ni Ronnie na hindi siya forever na artista. Kaya investment daw ang mga kursong ito kung sakaling magpalit na siya ng propesyon.
“This is not just another degree but also an investment in my future because I know I will not be a singer and actor forever. So now I am preparing for a career beyond my current profession. As someone who deeply values personal growth and lifelong learning, I know that this will require hard work, dedication, and sacrifice. But it will also transform me in many ways that I cannot even imagine.”
Fabio, tatay na ulit sa kambal!
Excited na maging tatay ulit ang Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide. Hinihintay na lang niya ang pagsilang ng kanyang kambal mula sa kanyang Swedish girlfriend na si Ellen Fröjd.
Post pa ni Fabio sa Instagram: “Happy to share our two little blessings sent from above. Words can’t explain what me and @ellenfrojd feels right now. Our brapaneses Swedish pusong pinoy babies are healthy and ready to shine. I love you so much Ellen!!!”
May panganay na anak si Fabio kay Denisse Oca na si Dannie. Si Denisse ay anak ng aktres na si Melissa Mendez.
Hindi naman daw pinapabayaan ni Fabio si Dannie at parati ang bonding nilang mag-ama. Sa katunayan ay excited na rin daw si Dannie sa magiging kambal niyang kapatid. Na-bonding din daw ni Dannie ang girlfriend niyang si Ellen.
Nag-post pa si Fabio ng video sa IG na may caption na: “My heart just melted Dannie just found out she is going to be an ate. Thank you, Lord for the biggest blessing of 2023.”
Huling nakarelasyon ni Fabio ay si Bianca Manalo na ngayon ay girlfriend ni Senator Win Gatchalian.
Stranger Things star Millie Bobby Brown, 19, engaged na!
Engaged na ang Stranger Things star na si Millie Bobby Brown sa boyfriend nitong si Jake Bongiovi.
Sa Instagram ay suot ng 19-year-old actress ang isang diamond ring na senyales ng kanyang engagement kay Jake. May caption ito na: “I’ve loved you three summers now, honey, I want ‘em all.”
Si Jake, 20, naman ay pinost ang same photo with the caption: “Forever.”
Summer 2021 noong mag-date ang dalawa sa New York City. Tawagan pa nila noon ay “BFF” or Best Friend Forever.
Noong nakaraang February na birthday month ni Millie, tinawag siya ni Jake na “the girl of my dreams.” Reply naman ni Millie ay “I love you more than words can describe. Everything about you is golden down to the core.”
Si Jake Bongiovi ay anak ng rock icon na si Jon Bon Jovi.