Boyet and Vilma, tuluy-tuloy ang shooting sa Japan

Tirso, Boyet, Vilma at Lynn

Tuluy-tuloy pala ang shoot ng movie na When I Met You in Tokyo, sa Japan na muling pagbabalik ng love team nina Ms. Vilma Santos at Christopher de Leon. 

Kasama rin nila sa movie  si Tirso Cruz III, at two weeks na silang naroon.

Wala raw kasing problema sa location, dahil si Japanese actor-director-producer na si Jacky Woo ang nag-asikaso sa lahat ng mga kailangan sa shooting ng production, kaya smooth sailing ang shoot nila.

Wala nga rin problema sa set dahil malamig at ini-enjoy nila ang snow at ang beauty ng Cherry Blossom or Sakura na in season ngayon sa Tokyo. 

Malapit daw lamang sa Narita Airport ang hotel na tinutuluyan nila.  Kaya nadalaw sila ni Senator Jinggoy Estrada na nasa Tokyo rin with his family during the Holy Week. 

Wala pang balita kung hanggang kailan sila magsu-shooting sa Tokyo.

Ang When I Met You in Tokyo ay produced ng JG Productions Incorporated, na muli ngang pagtatambalan nina Ate Vi at Boyet, after almost 20 years the last movie na pinagtambalan nila noon.

Dagdag pang balita, besides acting, Boyet daw will also be directing his leading lady in some of the scenes ng movie. 

Meanwhile, kasama naman ni Tirso sa Japan ang wife niyang si Lynn Cruz.

Maine, may natupad na pangarap!

Nagsimula na ngang mapanood kahapon, April 10, ang #MaineGoals Season 3 sa TV5, at 8:30AM, na nagtatampok sa barkada nina Maine Mendoza at co-hosts na sina Chamyto at Chichi. 

Ang first episode nila ay tungkol sa pagti-training nila as flight stewardess, at dito nalaman na kahit pala nag-graduate na that time si Maine ng Culinary Arts sa De La Salle College of St. Benilde, seven years ago, dream pala niya noon na maging flight stewardess. 

Pero hindi nga natupad ang dream ni Maine that time, dahil inagaw siya ng showbiz at doon siya nakilala. 

Kaya matutupad na lamang ang wish na iyon ni Maine kung makakaganap siya ng role na isa siyang flight stewardess.

Tuluy-tuloy na mapapanood ang mga episodes ng #Maine Goals at 8:30AM sa TV5 at abangan sina Maine sa pagganap sa iba’t ibang characters, like as professional racers, warfighting training as army reservists, at iba pa.

Mapapanood din ito with an extended version at 8PM on Buko Channel, via PayTV on Cignal at SatLite Ch 2. Mondays to Fridays.

HCTG, tuloy ang paghataw sa takilya

Mamayang gabi, April 11, ang awards night ng first Summer Metro Manila Film Festival, na gagawin sa New Frontier Theater in Cubao, Quezon City.  Produced ito ng Viva TV at mapapanood ang kabuuan sa TV5.

Sa ngayon, nangunguna pa rin sa box-office returns ang Here Comes The Groom nina Enchong Dee at Maris Racal, directed by Chris Martinez, at produced ng Quantum Films, CineKo Productions, at Brightlight Productions.

Show comments