^

Pang Movies

Luis at Jessy, hiniritang sundan agad ang baby!

Salve V. Asis - Pang-masa
Luis at Jessy, hiniritang sundan agad ang baby!
Luis at baby Isabella

Sana raw ay sundan na agad nina Luis and Jessy Manzano ang kanilang baby na si Isabella Rose.

Ang ganda raw kasi ng kanilang kombinasyon.

Super cute nga naman ang kanilang first baby na nasa kani-kanilang social media accounts kahapon para sa kanilang Easter post.

Half-half sa kanila ang face nito at tisay na tisay.

Pero may nagsabi namang may hawig din ito sa kanyang Lola Vilma Santos.

Pero ang isang sure, swerte si Isabelle Rose na matagal hinintay ng kanyang lola.

Samantala, wala nang updates kung anong nangyari sa kontrobersyang nakaladkad ang pangalan ni Luis.

Here comes…, number 1 sa summer filmfest!

Hoping ang industry leaders na madadagdagan ang mga tao sa mga sinehan.

Maganda ang review ng pelikulang Unravel at Here Comes the Groom.

At nagti-trending na ito as of yesterday.

Holiday pa hanggang today kaya sana ay sipagin ang mga taong manood ng sine at gumastos.

Ang sad lang talaga, imbes na tulungan ng mga netizen ang pelikula o magkaroon ng curiosity, mas interesado pa ata sila sa nangyaring breakup nina Taylor Swift and Joe Alwyn (English actor) pagkatapos ng six years.

Yup, talagang parang super relate ang mga Pinoy sa mga nangyari sa magkarelasyon habang wala silang care sa mga pelikulang Tagalog.

Hehehe.

Ang analysis naman ng isang vete­ran actor, nadiskubre noong pandemic na may ibang platforms pala.

“Palagay ko mahihirapan nang pabalikin ang mga tao sa mga sinehan. Na-break na kasi ng pandemic ang habit ng tao na manood ng sine. Ang dami pa competition ngayon kung anu-anong platforms. Uphill battle talaga ngayon sa film industry. Opinyon ko lang naman ito,” na totoong-totoo naman.

Puwede ring sa mahal ng bayad sa sine na umaabot sa almost P500 samantalang sa streaming ang pinakamahal ay P500 a month.

“Isa pa ‘yun. Ang mahal-mahal na nga pala manood ng sine ngayon. Bakit pa nga ako gagastos ng malaki e makikita ko naman ang inidolo ko sa TV nang libre? At platforms at marami pang choices. May kasalanan din talaga ang mga theatre owners sa masamang sitwasyon ng film industry ngayon,” obserbasyon pa ng mahusay na aktor na hanggang ngayon ay aktibo pa rin.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with