^

Pang Movies

Lee Seung-Gi, kasal na

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Lee Seung-Gi, kasal na
Lee Seung-gi at Lee Da-in

Nagdurugo ang puso ng fans ng Korean actor na si Lee Seung-gi.

Ikinasal nga ito nung nakaraang Biyernes Santo sa actress na si Lee Da-in na ayaw na ayaw ng kanyang fans.

Ang daming Pinoy fans ni Seung-gi na kamakailan ay spotted sa Ilocos.

Thirty-six years old na ang Korean actor.

Ikinasal ang dalawa noong Abril 7 sa isang star-studded ceremony na dinaluhan ng humigit-kumulang 700 bisita sa Grand Intercontinental Seoul Parnas grand ballroom sa Gangnam, Seoul.

Apartment ni Heart sa Paris, pinag-usapan ang attic

May pasilip si Heart Evangelista sa kanyang apartment sa Paris.

May attic ito na parang ginawang bedroom ni Heart.

Kahit nga alam mong mamahalin ang lugar may ilan pa ring nang-imbyerna dahil pinagpalit daw ni Heart ang magandang bahay nila rito sa Pilipinas sa small apartment sa Paris.

Pero agad-agad ay may nagtanggol kay Heart na busy na sa kanyang career sa Europe: “Her apartment got a second floor with 2 bedrooms. Pag ganyan more or less nasa 2m euro especially may modern elevator meaning mamahalin ang building ni madame. Sa Paris, common lang pag walang elevator,” comment ng isang follower niya.

Anyare raw sa dating apartment ni Heart na tinutuluyan sa Paris na mas bongga ang hitsura base sa mga post niya.

Well, kahit anong mangyari, walang apartment sa Paris ang mga basher ni Heart kaya ke maliit o malaki, ang bottomline may property siya sa France.

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with