Ashley, naipahinga ang mga sugat nung holy week

Ashley

Stay-at-home lamang si Sparkle GMA Artist Ashley Ortega during the Holy Week break from her ta­ping ng serye niya on figure skating, ang Hearts On Ice.

Time to rest muna ang actress, dahil hindi biro ang mga eksena niya sa serye, hindi ito laro. IG post ni Ashley: “It’s been 4 months of taping Hearts On Ice and all I can say is how fulfilling it is to go home from work despite all the sleepless nights, cuts, falls, bruises and physical exhaustion. Sharing you some behind the scene photos/vids of Ponggay’s (her character) struggles, battle scars and gorgeous legs (btw, the production of #HOI takes good care of me and everyone on set. All my bruises, falls and cuts are accidents and it’s normal in our sport.)”

Sa video she posted, Ashley showed scenes nang bumagsak siya after doing a trick, na nag-slide siya sa ice after falling, kasama ang pictures ng nasugatan niyang likod, braso at tuhod.

Sa isang interview sa 24 Oras, inamin ni Ashley na first big project niya ang serye, kaya may pressure sa kanya, alam niyang mataas ang expectations ng viewers sa kanya, kaya medyo kinakabahan siya, ayaw niyang mabigo sila sa kanya.

Ang serye ay dedicated niya sa parents nila, who supported her and her siblings in their sports. Pareho silang professional figure skater ng younger sister niya at ang brother nila ay hockey player naman.

Lalong gumaganda ang mga eksena ng #HOI dahil may competition na ang figure skaters at may mala­king sorpresang naghihintay kay Ponggay mula sa kanyang inang si Libay (Amy Austria) at Enzo (Xian Lim), sa GMA Telebabad, 8:50 p.m.

Maine, simula na ang adventures!

Simula na bukas, Monday, April 10, ang favorite vlog-like lifestyle show na #Maine Goals, na nagbabalik na sa kanilang Season 3 na magpapakita ng new set of exciting adventures ng barkada ni Maine Mendoza, Chamyto at Chichi.

Mas maraming excitement sa paggamit nila ng extreme sports to hard labor works. Nag-train sila bilang professional flight attendants, professional racers, warfighting trainings, like army reservists.

This Monday, at 8:30 a.m. mapapanood sila sa Gandang Mornings ng TV5 at ang extended version at 8 p.m. sa BuKo Channel, via Pay TV on Cignal and SatLite, Ch. 2.

Urduja stars, binawasan ang inip ng mga bumabiyahe!

Sinorpresa ng cast ng Mga Lihim ni Urduja na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Jeric Gonzales at Vin Abrenica ang mga naghihintay na pasahero ng Parañaque Integrated Terminal Exhange (PITX), na nagulat at natuwa dahil nabawasan ang inip nila sa paghihintay ng mga biyahe nila pauwing probinsiya. Maraming nagpa-selfie at nakipagkulitan sa mga cast. In turn ay nag-request naman sila na panoorin sila gabi-gabi sa GMA 7, 8 p.m.

Meanwhile, this Monday, April 10, din ang simula ng first anniversary presentation ng Family Feud hosted by Dingdong Dantes, 5:40 p.m. sa GMA 7.

Show comments