Mambabatok na si Whang-Od, tinalbugan ang Hollywood veteran actress

Whang-Od

Na-feature hanggang sa abroad si Apo Maria “Whang-Od” Oggay nang i-cover siya ng Vogue Philippines.

Si Whang-Od ang 106 years na mambabatok na pinakamatandang cover ng Vogue.

Ayon sa story ng CNN.com bago si Whang-Od ang pinaka-oldest cover ng Vogue ay ang Hollywood actress na si Judi Dench, na na-feature sa British Vogue noong 2020, sa edad na 85.

“Heralded as the last mambabatok of her generation, she has imprinted the symbols of the Kalinga tribe—signifying strength, bravery, and beauty—on the skin of thousands of people who have made the pilgrimage to Buscalan. “When visitors come from far away,” Whang-Od says in the Butbut language, “I will give them the tatak Buscalan, tatak Kalinga for as long as my eyes can see,” ang pagdi-describe ng Vogue Philippines sa kanilang cover story.

Kahit nga si Vanessa Hudgens ay ini-Instagram story ang nasabing cover na ang ganda ng story and pictorial.

Ayon pa sa article ng Vouge Philippines, hindi lang si Grace Palicas, ang apo ni Apo Whang-Od, ang sinasabing kabilang sa susunod na henerasyon ng mambabatok kundi dose-dosena o kung hindi man daw ay daan-daang mga batang apprentice ang masigasig na matuto at magpatuloy sa pagsasanay ng pambabatok.

At parang malakas pa sa edad na 106 si Whang-Od.

Na-capture ng photographer na si Artu Nepomuceno ang ganda ng mambabatok na isang tunay na Filipina.

Namakyaw rin ng kopya nito si Jericho Rosales sa isang bookstore : “Coz it’s Whang-od, Kim and I in this very cool April issue of @voguephilippines, everyone in my team gets a weekend read and stare.

Get your copies now!”

‘Yun ay dahil nasa page 1 rin ng nasabing issue ang story ni Kim Jones, misis ni Echo na laging sinasabing naghiwalay na sila.

Legit ang story at walang PR na kasama.

At sana mga ganitong story ang napi-feature sa mga magazine at hindi mga paid pictorial ng ibang celebrity na ang dinig ko para i-cover, at least P1 million diumano ang sponsorship.

Anyway, isa rin itong magandang sign na may market ang print media at hindi lahat digital na pwedeng i-boost kaya ang iba millions na ang followers dahil namimili sila ng followers.

Show comments