Kyle, pasok sa radar ni Piolo
Suwerte naman ni Kyle Echarri.
Parang BFF siya ni Piolo Pascual.
Nagulat lang kasi ang maraming netizens nang makasama si Kyle sa grupo nina Papa P, Diether Ocampo, Jerico Rosales, Heart Evangelista, Bea Alonzo, Maja Salvador and John Lloyd Cruz nang magkaroon ng reunion ang orig Star Magic babies.
At hinahanap nila ang konek kung kanino close si Kyle dahil pakabata naman niya para makasali sa grupo ng titos and titas na ngayon na mga Star Magic star.
At nang i-check ko ang Instagram account ni Kyle andun nga at kasama si Papa P sa post ni Kyle na ‘some of the many things that have happened this March.’
At kasama rin daw si Kyle sa isa sa mga naka-line up na movie ng mabait at mahusay na actor.
Actually, sa totoong buhay isa kasi talaga si Papa P sa mabait sa industriya kaya hindi nakakatakang baka tinutulungan niya si Kyle.
Kaya naman hanggang ngayon isa pa rin siya sa busiest actors dahil nga sa kabaitan niya na wala na ang ibang artista sa kasalukuyan.
Bahay ni carla, patapos na
‘Getting there’ sabi ni Carla Abellana na pinakita ang progress ng kanyang pinagagawang bahay.
Matagal na naudlot ang nasabing bahay ni Carla dahil diumano sa mga nangyari sa kanila noon ni Tom Rodriguez.
Samantala, pinaalala ng actress na hindi April Fools’ joke na puwede kayong makulong ‘pag pumatay ng aso. Ni-repost ng actress ang tungkol dito : “We’re gonna find you and we’ll bring justice to the innocent dogs that you mercilessly slaughter!
“Report DOG MEAT TRADERS, we need everyone helping out in this mission to #EndTheDogMeatTrade in the Philippines.
“We assure tipsters that all info will be treated with confidentiality. Text or call us at 0960-313-4503 | 0966-504-7330
“#NoToAnimalCruelty #NoToDogMeat #NoToDogMeatTrade.”
True naman. ‘Wag maging mamamatay-aso!
Actress, nagpa-muscle?!
Nareretoke ba ang muscle?
Possible naman daw. Pero parang naging awkward ang pagkakalagay ng muscle sa isang actress na cover ng isang magazine.
As in parang lalaki ang inilagay sa kanya – unless sa computer lang ito niretoke.
Kasi sa ibang photos naman ni actress wala naman siyang mga muscle.
But anyway, ang bottomline, hindi bagay sa actress ang may putok na muscle sa braso.
Sana ginandahan na bilang niretoke lang naman.
- Latest