Willie, nagbebenta ng paintings na milyun-milyon ang halaga!

Willie Revillame

Nagbabawas na raw ng properties si Willie Revillame. Ito ang tsika ng malapit niyang kaibigang si Nay Cristy Fermin sa kanilang vlog nina Romel Chika and Wendel Alvarez.

“Ang una po naming natanggap na kwento, mga katsika, ibinebenta na raw po ni Willie Revillame ‘yung mga paintings na binili niya ng milyones noon,” pagbabalita ni Nay Cristy.

Patuloy niya, “tapos, ‘yung mga properties.”

Dagdag naman ni Romel Chika, “nagbabawas na rin.”

Kung bakit, pagbabahagi ng batikang manunulat, “mayroong isang nag­kwento sa akin na ang gusto raw ni Willie ay isang simple na lamang na buhay. Parang ganu’n.”

Naibahagi nga rin nila ang napakaraming properties na pag-aari ng TV host. Mayroon daw sa Tagaytay, sa Quezon City, sa Mindoro at sa iba’t iba pang lugar.

Ani Nay Cristy, aanhin nga naman ni Willie ang pagkadami-daming bahay na ito na nasasayang lang dahil hindi naman niya tinitirhan.

Bukod pa rito ang dalawang choppers, isang yate at ang sandamakmak na high-end cars.

“Aanhin niya ang dalawang chopper? Kaya kung ibinebenta man niya, okay lang ‘yun. Kanya naman ‘yan, eh,” sey pa ni Nay Cristy.

At kung ikaliligaya raw ni Willie ang simpleng buhay ay wala naman daw masamang hanapin mo kung ano ang ikaliligaya ng puso mo.

Pokwang, ‘masaya’ sa waitress na karelasyon ng ex

Ang dati niya kayang karelasyon na si Lee O’Brian ang tinutukoy ni Pokwang na may nakakandong na waitress sa isang bar sa BGC?

Sa kanyang Twitter account kahapon ay may post ang aktres na “Susme e ano naman kung may naka kandong na waitress sa kanya dyan sa isang mexican bar sa bgc? Hayaan nyo sya masaya sya dahil sa wakas natagpuan na nya pangarap nyang babae at deserve nya yan yeheeeyy congratulations po.”

Sa dulo ay nilagyan niya ng hashtags na #diakobitterha at #happy for you.

Kahit walang pangalang tinutukoy, obvious naman na si Lee nga ang kanyang pinapasaringan.

Komento ng isang netizen, “you are so bless poks ! You have works, pretty kids and not giving you headache. Look around your house, just say thank you God!!”

Sinagot naman ito ng aktres ng “Im thankful everyday po kasama na ang pagkakaalis ni God sa buhay ko ang lalaking walang kwenta.”

Sey naman ng isa pang fan, “Hayaan mo na mamang. Baka achievement sa kanya ang may nakakandong na waitress.”

Sinagot naman ito ni Pokwang ng laughing emojis.

Matatandaang last year ay kinumpirma ni Pokwang na hiwalay na sila ni Lee matapos ang anim na taon nilang relasyon. May isa silang anak, si Malia na ngayon ay limang taon na.

Show comments