^

Pang Movies

Elisse, nagbago ang hitsura ng ilong

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Elisse, nagbago ang hitsura ng ilong
Elisse Joson
STAR/File

Iniintriga si Elisse Joson na nagparetoke ng ilong.

Pansin na pansin raw kasi ang pagbabago ng hitsura niya sa mukha.

May nag-comment pang naging kamukha na raw niya si Nathalie Hart.

At mas naging daring siya.

Pero parang dedma naman si Elisse at ini-enjoy ang pagiging hot mommy “Pag mom ka na, getting all dolled up excites u a lot more.. kasi, “why not” “minsan lang eh”  aniya sa isang post.

Anyway, isang palabang ex-girlfriend ang bagong panggigigilan ng mga manonood sa pagpasok ng karakter ni Elisse sa Kapamilya teleseryeng Dirty Linen, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Gagampanan ni Elisse si Sophie Madrigales, ang ex-girlfriend ni Aidan (Zanjoe Marudo) na determinadong makuha muli ang kanyang pagmamahal. Dahil dito, magsisilbing tinik sa buhay ni Mila (Janine Gutierrez) si Sophie dahil unti-unti na sanang nakukuha ni Mila ang loob ni Aidan para sa plano niyang paghihiganti sa pamilya nito.

Sa isang interview sa Kapamilya Chat kamakailan, ikwinento ng aktres na natutuwa siyang mapabilang sa isang kapana-panabik na kwento kasama ang mahuhusay na co-stars.

“I was really excited kasi ang tagal ko ding hindi gumawa ng teleserye. Nandoon ‘yung gustung-gusto kong magtrabaho ng panibagong gagampanan. ‘Yung kaba rin is always going to be there pero ‘yung kabang masaya,” sabi niya.

Ibinahagi rin ni Elisse na dapat abangan ng mga manonood ang iba pang pasabog na rebelasyon, kabilang na rito ang masalimuot na sikreto ng kanyang karakter.

“There’s so much more in Sophie na magugulat kayo. I’m excited to watch din kung paano mag--a-unfold ‘yung story ni Sophie, kung ano ‘yung dala niyang bagsik,” sabi pa niya.

Nagkabalikan sina Elisse at McCoy de Leon last February at happy na ulit ang fans nila dahil nag-post na si Elisse na kasama si McCoy after ng matagal-tagal ding panahon ng kanilang diumano’y hiwalayan.

Magkasama silang nag-attend ng wedding ni Verniece Enciso-Dichaves.

May isang baby sila, si Felize.

ABS-CBN at indian streaming platform, may collab!

Nasa Indian streaming platform na MX Player na rin pala ang mga programa ng ABS-CBN na isa na ngayong content creator agency.

Ito ang magiging kauna-unahang partnership deal ng ABS-CBN at MX Player.

Kaya naman ikinatuwa ni ABS-CBN Global Asia-Pacific managing director na si Maribel Hernaez ang anunsyong ito.

Aniya, “In this partnership, ABS-CBN and MX Player are able to show to a wider range of audience the shared culture of Filipinos and Indians, and – more importantly – a true humanity through exceptional storytelling. Whether it’s about revenge or a love story, crime or action, family or society, viewers will surely find a story apt to their taste.”

Saad naman ng MX Player sa kanilang press statement, “We’re delighted to expand into a new international territory with the addition of these five Filipino titles and we believe the highly relevant and relatable narratives will strike a chord with Indian audiences.”

Ilan sa mapapanood ang A General’s Daughter ni Angel Locsin, pati ang Hanggang Saan nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

Streaming din sa MX Player ang afternoon serye nina Kim Chiu at Yam Concepcion na Love Thy Woman, pati ang mga programang Sino ang Maysala? Mea Culpa nina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla, at A Love to Last nina Ian Veneracion at Bea Alonzo.

Talagang wala ata silang planong magpaiwan kahit wala silang franchise dahil tuloy ang paglawak ng audience nila.

vuukle comment

ABS-CBN

ELISSE JOSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with