Marami ang bilib kay Cai Cortez dahil sa pag-promote nito ng body positivity.
Wala siyang keber sa sasabihin ng mga tao sa hugis ng kanyang katawan. Kapag feel niyang mag-bikini, gagawin niya iyon.
Ngayong tag-init na, nag-post si Cai naka-pink two-piece bikini na may strawberry pattern sa Instagram.
Nilagyan niya ito ng caption na: “A day at the beach. There comes a time in your life when you don’t care. You don’t care what other people will say. You don’t care what other people will think. Ang importante, alam ko sa sarili ko mabuti akong tao, mabait ako sa kapwa, mabuti akong ina, oks na ko.”
Inamin noon ni Cai na maraming netizen na bina-body shame siya noon kapag nagpo-post siya ng photos na naka-swimsuit siya.
Noon daw ay nade-depress siya dahil sa bashing sa kanyang pangangatawan. Pero natutunan na raw tanggapin ito ni Cai at ngayon proud na proud siya sa katawan na binigay sa kanyang ng Diyos.
Michelle susubok sa Ms. U!
Sa naging HER story video ni Miss World Philippines 2019 Michelle Dee sa YouTube page ng Empire Philippines, patuloy ito sa kanyang advocacy para sa autism awareness sa ating bansa.
Hindi naman inililihim ni Michelle na ang dalawa niyang kapatid na sina Mazen at Adam ay na-diagnose na may autism noong mga bata pa sila.
“These are my two brothers, individuals on the spectrum. This is Adam (Lawyer), my younger brother. And this is Mazen, my older brother. This is why I advocate for autism awareness because my brothers needed it and everyone on the spectrum needs it too. It’s something I had to struggle with my whole life, just, for me, the type of acceptance and understanding to live with them. It’s just so heartwarming seeing how much these kids evolved in the last five years. Some of them couldn’t even speak or function five years ago. You see so much improvement and it gives me life. It gives me so much inspiration to keep doing what I’m doing.”
Muling susubukan ni Michelle ang kanyang suwerte sa 2023 Miss Universe Philippines. Kahit na may taping siya ng Mga Lihim Ni Urduja, nagagawa pa rin niyang mapagsabay ang pag-arte sa training at rehearsals niya para sa MUP.