Pelikula ng buhay ni Rey Valera, halos 60 ang mapapanood na artista!
Mapapanood sa gaganaping Metro Manila Summer Film Festival ang ‘pinagmulan’ ng mga sikat na kanta ni OPM icon Rey Valera.
Pinagbibidahan ito ni RK Bagatsing na aniya ay magbibigay ng inspirasyon sa manonood.
Tatalakayin dito ang mga nag-udyok sa kanyang sulatin ang ilan sa pinakasikat at tagos sa puso niyang Original Pilipino Music hit sa ilang dekada ng kanyang career.
Naging theme song ng bawat Pilipino ang kanyang kanta noon dahil sapul sa bawat pinagdadaanan ng marami ang lyrics ng mga ito.
Sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera), pumili sila ng 10 songs sa ‘di mabilang na OPM hits niya upang mabuo ang proyektong ito na dinirek ni Joven Tan.
Kasama sa mga talagang naging bahagi ng buhay ng bawat isa ang Kahit Maputi na ang Buhok Ko, Malayo Pa Ang Umaga, Mr. DJ, Pangako sa Yo, Kung Tayo’y Magkakalayo, Maging Sino Ka Man, Kung Kailangan Mo Ako, Tayong Dalawa, Ako si Superman, and some of the greatest hit songs performed by Rico J. Puno.
Kasama ni RK sa pelikula – in alpabetical order sina Aljur Abrenica, Rico Barrera, Gelli de Belen, Josh de Guzman, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, and Gardo Versoza.
Actually, bukod sa kanila ayon kay Direk Joven Tan, umabot sa 60 stars ang kasama rito.
- Latest