Ate Vi, magiging busy sa pelikula  

Ate Vi

Excited na si Direk Erik Matti na makatrabaho si Star For All Seasons Vilma Santos.

Nakipag-meeting na si Direk Erik with Ate Vi at nahanap na niya ang tamang project na pagtatrabahuhan nilang dalawa sa unang pagkakataon.

Post ng award-winning direktor sa kanyang Instagram: “I’ve been a fan of Ms Vilma Santos’ Ishmael Bernal marriage twin bill “Relasyon” and “Broken Marriage”. I also loved her in the dark Maryo J movie “Tagos ng Dugo”. But beyond her serious performances, her versatility and range was showcased full on in her sweet and endearing performance in Olive Lamasan’s “In My Life”. It has been a dream to make a film for The Vilma Santos. Finally, we’ve found something to work on that will, again, show us how great an actress she has always been. Looking forward to creating a fresh and memorable character for such an icon like you, Ate Vi. Happy that we are all excited for this project. we have lots of time to prepare. See you again soon!”

Magbabalik nga sa paggawa ng pelikula ulit si Ate Vi after seven years. Huling ginawang pelikula ni Ate Vi ay ang Everything About Her noong 2016.

Bukod sa pelikula with Erik Matti, gagawin din ni Ate Vi ang reunion movie nila ni Christopher de Leon titled I’m So In Love With You na kukunan sa bansang Japan. Huling nagtambal sina Ate Vi at Boyet ay noong 2004 pa sa pelikulang Mano Po 3: My Love.

Faye Lorenzo ng Doll House, maraming na-inspire

Kuwento pala ng buhay ng pamilya ng Kapuso actress na si Faye Lorenzo ang pinagbidahan na Netflix movie ni Baron Geisler na Doll House.

Umani ng maraming papuri si Baron sa naturang pelikula sa pagganap niya bilang drug addict na gagawin ang lahat para maayos ang relasyon nito sa kanyang mga anak.

Ayon kay Faye, natakot siya noong una noong may gustong gawing pelikula ang naging relasyon nito sa kanyang ama. Pero naging daan pala iyon para maraming ma-inspire sa kuwento nilang mag-ama.

“Magugulat ka kasi ang daming na-inspire sa story. Hindi ako makapaniwala na ang dami palang katulad ko na pinagdaanan ‘yung ganun, na nagkaron sila ng tatay na naging mahina, na ‘yon ‘yung ginamit na way para makatakas sa problema. Mabait na tao ang daddy ko. Pinaramdam niya sa aming magkakapatid kung gaano niya kami kamahal. Tinaguyod niya kami kahit na iniwanan kami ng mama ko. Lagi niyang pinaalala sa akin noon, ‘Anak, paglaki mo, ‘wag mo kong gagayahin.’”
Pumanaw ang ama ni Faye noong 14 years old siya at naging breadwinner na siya ng kanilang pamilya. Naranasan daw niyang magtinda ng banana cue kasama ang kanyang lola.

Show comments