John Lloyd, nasa hitsurang mag-aasawa na

John Lloyd at Isabel

Dahil lang sa ilang conversations at palitan ng messages sa kanilang mga social media account, may nabuo na namang speculation ang ibang mga tao na mukha raw may balak nang lumagay sa tahimik, ibig sabihin maaaring pakasalan na ni John Lloyd Cruz ang sinasabing syota niya ngayong si Isabel Santos. Kapansin-pansin din ang kanilang pagiging open sa ngayon, kung noon iniiwasan pa nila ang pictures na magkasama ngayon ay hindi na.

Pati iyong pagdalaw nila kamakailan sa isang animal rescue center may pictures silang magkasama, at bagama’t ang focus nga ng usapan ay ang pag-a-adopt ng aso, halata mong sweet naman silang dalawa sa picture.

Nasa tamang edad na rin naman siya at talagang panahon na para magkaroon si John Lloyd ng sarili niyang pamilya.

Saka may ganyan na siyang plano noong araw, nagpatayo na nga siya ng isang bahay na magi­ging tahanan nila ng kanyang pamilya, bago pa man ipinanganak ang kanyang panganay na si Elias.

Pero pinatunayan ni John Lloyd na maaari niyang talikuran kahit na ang kanyang career kung para iyon sa pagkakaroon ng isang mahusay na pamilya.

Ngayon mo pa ba sasabihing imposible iyon eh mukhang mas maayos namang ‘di hamak ang kanyang love life ngayon kaysa noong araw?

Sa parte naman ng syota niyang si Isabel, mukhang swerte sila sa isa’t isa.

Richard, swak sa totoong action film

Hindi kami masyadong nagpapapanood ng mga serye sa telebisyon. Pero noong isang gabi, natiyempuhan namin ang serye ni Richard Gutierrez, habang naglilipat kami ng channel. Tiningnan namin sandali, pero umabot kami sa katapusan ng episode.

Napansin namin, mas magaling pang umarte ngayon si Richard, at bagay talaga sa kanya ang pagi­ging action star.

Palagay namin ito ang panahong hindi lang dapat sa TV, kundi pagawin na rin siya ng isang pelikulang action.

Pero huwag namang indie, iyong action sana na pagkakagastahan.

Alam naman ninyo ang tao, alam nila basta indie, lalangawin na sa takilya. Ayaw ng Pinoy ng mga pelikulang binabarat.

Isipin mo nga naman, magbabayad ka ng napakamahal sa sinehan tapos ang mapapanood mo ay alam mong isang pelikulang hindi ginastusan at so so lang.

Matagal na tayong walang totoong action star na pinanonood.

Nawala na si FPJ o Fernando Poe Jr. Wala ring naging kasunod si Rudy Fernandez.

Iyong iba namang action stars, nagtandaan nang lahat.

Kailangan ng bago, at iyong mukhang action star talaga.

At si Richard Gutierrez talaga iyon.

TV personality, nagkatrabaho sa fighting spirit

Believe rin kami sa isang TV personality, kinausap daw niya ang producer ng isang TV show at nag-apply na isali naman sila sa kanilang daily show dahil nabalitaan niyang may mga aalisin nga sa programa. Tutol daw ang director ng TV show na kunin pa ang personality dahil nakikita na siya sa ibang shows halos araw-araw, at saka ano nga ba ang gagawin niya sa show.

Pero nakiusap daw, kaya sabi ng producer, pagbigyan na kahit na once a week lang, at saka na lang alisin kung wala talagang mangyari.

Iyan ang matatawag mong fighting spirit, fighting spirit ang sinabi namin ha, wala kaming sinabing makapal.

Show comments