^

Pang Movies

Tito Sen, diniing ‘di lalayas ang Eat Bulaga!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Tito Sen, diniing �di lalayas ang Eat Bulaga!                
Tito Sen

“Eat Bulaga is here to stay!” Ito ang pahayag ni Tito Sotto sa kanyang panayam sa Korina Sanchez Interviews ng Net25 na umere kahapon.

“Siguro, ‘yung mga lumalabas na kwento at kung ano-ano, hindi ko na ia-address dahil kung anu-ano na ‘yung lumabas, eh. Perhaps the important thing to say is, Eat Bulaga is here to stay and we’re there to stay,” dagdag ni Tito Sen.

Hindi na nagdetalye or nag-elaborate pa ang veteran comedian/singer/TV host/politician sa kanyang pahayag pero kung sinabi niyang mananatili sila sa programa, ibig sabihin ay hindi totoo ang mga naglalabasang kesyo aalisin na ang Tito, Vic Sotto and Joey de Leon sa Eat Bulaga, na kesyo papalitan na ang titulo, kesyo mawawala na ang EB, etcetera.

Alden, naging emosyonal!

Speaking of EB, napanood last Saturday ang pagbabalik ni Alden Richards sa noontime show at hindi napigilang maging emosyonal ng aktor.

Medyo matagal-tagal na rin kasing hindi nakakabisita si Alden sa EB dulot na rin ng kanyang hectic schedule. Aniya ay masayang-masaya siya but at the same time ay napaiyak siya.

“Siyempre masaya! Ang tagal ko ring hindi nagawa ‘to. Nakaka-miss talaga lalo na ang Dabarkads.”

Aniya, hindi niya napigilang maging emosyonal nang muli niyang nakasama ang mga Dabarkads.

“Naiyak ako eh. Actually kanina medyo naiyak lang talaga ako noong pagpasok ko ng dressing room tapos niyakap ko sila,” pahayag ng aktor.

“Medyo matagal din akong nawala talaga. Naramdaman ko ‘yung tagal ng panahon pero ngayon, I am back, Dabarkads!” deklara ni Alden.

Idol Raffy, inaming mas dumami ang death threats!

Sa halip na mabawasan, mas dumami pa raw ang death threats ni Idol Raffy Tulfo ngayong Senador na siya.

“Nadagdagan,” natatawa niyang sabi via phone patch sa grand launch ng Radyo5 bilang 92.3 Radyo5 TRUE FM na ginanap sa Quezon City Memorial Circle last Saturday.

“Kasi, mayroong mga galit sa akin sa radyo, pulis, mga negosyanteng tiwali na ating inaaksyunan, hindi nagbibigay ng tamang pasuweldo.

“Pagdating dito sa senado, mayroon tayong mga nasasagasaan sa pamamagitan ng pag-e-expose natin sa mga dapat ituwid.

“So, maraming nagagalit sa akin pero I have to do what I have to do,” aniya.

At siyempre, kahit Senador na siya ay patuloy pa rin ang kanyang radio program sa Radyo5 na Wanted sa Radyo at hindi raw niya ito bibitawan talaga.

“Kailangan ko ang radio program, hindi ko pwedeng bitiwan ‘yun. Kung hindi sa radio program ko, walang Raffy Tulfo ngayon sa Senado,” aniya.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with