Baby Bean nina Angelica, lutang ang blue eyes!

Bean at Angelica
STAR/ File

Hindi na siguro magbabago pa ang kulay ng mga mata ng anak nina Angelica Panganiban at Gregg Homan at hanggang paglaki ni Baby Bean, blue/grayish na ang mga mata nito. Sa latest photo nga na pinost ni Angelica kasama ang anak, ang mga mata ni Baby Bean ang agad napapansin.

Mga comment na “Grabe ang mata,” “Grabe naman,” “Ay nako naman ang gaganda,” “Hangkyot niyo,” “Manikang buhay,” ang mga mababasa. Ang iba, pinusuan na lang ang post ni Angelica sa kanyang baby.

Ang daming nag-suggest na dapat mag-anak pa sina Angelica at Gregg dahil maganda ang kanilang lahi at sayang kung isa lang ang anak nila.

Ina, napa-oo agad sa skating

Natutuwa at excited si Ina Feleo sa Hearts On Ice, ang figure skating series ng GMA 7 na may world premiere sa March 13, 8:50 p.m., dahil mabibigyan na raw ng spotlight ang sport na minahal niya.

Kuwento pa ni Ina, kahit hindi pa niya alam ang role na gagampanan sa series, umoo na agad siya dahil gusto niyang makasama sa cast nito. Nang malaman niyang magkakaroon ng series tungkol sa figure skating. “Actually, noong nalaman ko pa lang na may show about figure skating, umoo agad ako at hindi ko na inalam ang role ko. For me, malaking bagay ang series na ito Kasi ‘yung sport na figure skating hindi siya gaanong sikat, hindi siya napag-uusapan kagaya ng ibang sports natin, kagaya ng boxing or basketball. Pero, kung tutuusin maraming magagaling na figure skaters.”

Binanggit ni Ina si Michael Martinez na dalawang beses nag-Olympics at ang nakakamangha ay wala namang yelo sa Pilipinas. Champion figure skater din si Skye Chua na kasama rin sa Hearts On Ice at si Ashley Ortega na nananalo rin sa figure skating.

Ginagampanan ni Ina ang role ni Coach Wendy, isa sa pinakamagaling na figure skating coach sa Pilipinas na dati ring figure skater. Hindi nahirapan si Ina sa kanyang role dahil nag-champion siya 20 years ago.

Liza, nilalaglag ng bagong management?!

In fairness, ang daming isyu kay Liza Soberano, araw-araw may mga isyu na nahahalungkat at ang dami rin niyang hugot, kaya magtatagal pa ang isyu sa kanya.

Nagre-react pa lang ang fans ni Kathryn Bernardo sa sinabi ni Liza tungkol sa Hello, Love, Goodbye, may bago na namang isyu sa kanya. Tungkol sa gusto raw (hindi sinabi kung sino, producer siguro), mag-audition si Liza for the role of Mary Jane sa Spider-Man pero dahil sa kontrata nito sa ABS-CBN, hindi pinayagang mag-auditon si Liza.

Tapos, nilinaw ni Liza na hindi talaga siya in-invite to audition, fans lang niya ang may gusto o fans ng Marvel ang may gustong mag-audition siya.

Ayan, malinaw, wala naman palang rason ang mga pahayag ni Jeffrey Ho, CEO ng Careless Management. Napahamak pa si Liza at obvious na hindi sila nag-uusap-usap o hindi nila kinakausap si Liza bago mag-isyu ng statement.

Show comments