Luis, ayaw ipamana sa anak ang kakulitan
Bilang first-time daddy, enjoy na enjoy si Luis Manzano sa kanilang first baby ni Jessy Mendiola na si Isabella Rose at halos ayaw na raw niyang umalis ng bahay.
“’Eto totoo ‘to ha, napi-feel ko na ‘to,” sey ni Luis nang makapanayam sa star-studded first anniversary celebration ng Bingo Plus, “’yung sinasabi ng ibang mga magulang na uwing-uwi na sila. Tapos si Jessy, ang ginagawa ni Jessy, nagpapadala ng mga videos ni Peanut. It’s so hard to leave the house.”
Natanong nga rin ang TV host kung ano ang gusto at ayaw niyang mamana sa kanya ng anak.
“’Yung gusto, I think, that’s for other people to answer. Ayoko namang sabihin ‘yung magagandang katangian ko,” aniya.
Pero ‘yung kakulitan daw niya siguro ang parang ayaw niyang gayahin ng anak niya.
Isa si Luis sa pinaka-unang endorser ng Bingo Plus, ang first live streaming bingo in the Philippines. Ini-launch ang nasabing brand noong January 2022 at sey ng TV host, one year na rin siyang parte ng lumalaking pamilya ng Bingo Plus.
“It’s nice when you have something like this and you grow together. That’s the best part,” he said.
Ginanap sa Grand Hyatt Hotel Manila ang first anniversary ng Bingo Plus last Saturday at dinaluhan ito ng mga naglalakihang personalidad at celebrities. Bukod sa Ambassador na si Luis, naroroon din sina Regine Velasquez, Vice Ganda, SB19, Billy Crawford and Coleen Garcia, Bela Padilla, Sam Concepcion, Bea Binene, Alamat, Nikko Natividad, Wilbert Ross, McCoy de Leon, Daryl Ong, Lea Jane, Bianca Santos, Carlyn Ocampo, This Band, Kim Molina, Katrina Velarde at marami pang iba.
Sa nasabing event ay namigay ng 50 million ang Bingo Plus sa Mega Jackpot at P1 million worth of raffle giveaways to all its supporters. Nag-donate rin ang Bingo Plus ng more than P10 million to a charity as a sign of giving back and gratitude to all its loyal supporters since its launch.
Albert, pinagmalaki ang kalidad ng Iron…
Proud na proud si Albert Martinez sa ganda ng kalidad ng action series na The Iron Heart with Richard Gutierrez na kasalukuyang napapanood sa primetime slot ng Kapamilya network.
Ayon kay Albert sa isang panayam, sa seryeng ito ay masasabi raw niya talaga na nakakalebel na tayo sa mga international TV drama when it comes to quality.
“I’m so proud to be part of this. Actually, it is part of my biggest frustrations back in the early ‘90s. Sabi ko, how come our neighbors, sa pacific neighbors are doing very well and ‘yung product nila is very impressive. Bakit tayo hindi?” sey ni Albert.
“But now, I’m starting to feel we’re getting there. From other projects that I’ve done the past few years, nakita ko na ‘yung development and ‘yung growth ng industry natin and how we create series and films.
“So, sabi ko, ‘wow, I’m so proud na in my lifetime, na-experience ko ‘yun,” dagdag niya.
Ginagampanan ni Albert sa The Iron Heart ang papel na kontrabida bilang si Engr. Priam dela Torre at aniya, ito na raw yata ang scariest character na nagampanan niya.
- Latest