Student Canteen, nabuhay sa kontrobersiya sa Eat Bulaga ng TVJ!
Music, TV and movie icons nang maituturing sina former Senate president Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at wala sigurong kukuwestiyon sa solidong samahan ng tatlo na nabuo nung `70s.
Si Tito Sen (Tito Sotto) ay nakatatandang kapatid ni Vic Sotto habang barkada naman ng dalawa ang maituturing na henyo ng grupo na si Joey de Leon na siyang nauna sa dalawa sa telebisyon sa pamamagitan ng Okey Lang kung saan dati kabilang ang nakatatandang kapatid nina Tito Sen at Vic na si Val Sotto.
Dekada sitenta nang mabuo ang samahan ng Tito, Vic & Joey na ang common passion noon ay musika. The trio would compose songs for other artists sa bakuran ng Vicor Music Corporation, ang dating number one record company na pag-aari pa noon ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly del Rosario Ilacad.
Naging close ang TVJ kay Boss Orly and the rest of the Ilacad brothers.
Over at Vicor ay ang TVJ ang nagpauso ng ‘tough hits,’ mga hit songs noon na nilalapatan nila ng mga comic lyrics. Nag-click ito at dito nagsimulang sumikat nang husto ang Tito, Vic & Joey.
Kasunod ng kanilang sunud-sunod na hit albums ang mga pelikula. Kinuha rin silang co-hosts ng dating lunchtime show na Student Canteen maging sa dating weekly musical show na Discorama on GMA with the late Bobby Ledesma as main host and producer. It was during this time when businessman Antonio ‘Tony’ Tuviera took them in to host their own noontime program at kasunod na rito ang pagkabuo ng Eat Bulaga which was launched nung July 30, 1979.
There was another offer sa TVJ, pero si G. Tuviera ang unang naglatag sa kanila ng offer.
Ang titulong Eat Bulaga ay nanggaling kay Joey de Leon habang ang theme song ay kinompos naman ni Vic Sotto.
Ayon kay Joey, since noontime ang programa at kumakain ang mga tao, una niyang inilagay ang salitang “Eat” kasunod ang “Bulaga” dahil gusto umano nilang bulagain ang mga manonood ng maraming sorpresa sa programa kaya naging Eat Bulaga na agad naman nagustuhan ni Mr. T (Tuviera) maaaring nina Tito at Joey at ng production staff.
Bilang isang bagong programa, mahirap tibagin ang pedestal ng Student Canteen kaya ready ang tatlo na puwedeng hindi magtagal ang kanilang programa kaya wala umano silang kontrata at wala muna silang tinatanggap na talent fee.
Ayon kay Tito Sen, kapag six months na ang programa at wala pa rin itong nakukuhang suporta coming from the advertisers ay magpapaalam na sila at hindi na nila ito itutuloy. But to their surprise, biglang nagsipasukan ang mga advertisers/sponsors at unti-unting naging by-word ang Eat Bulaga ng mga manonood dahil sa pagiging masaya ng tatlong main hosts.
Nagkaroon man ng mga pagbabago sa programa in terms of content at iba’t ibang co-host, nanatili ang Tito, Vic & Joey at nanatiling poste ng programa maliban na lamang nang pasukin ni Tito Sen ang larangan ng pulitika kanya pansamantala itong nawala sa Eat Bulaga at babalik lamang siya on special occasions tulad ng anniversaries at kaarawan nina Vic at Joey.
Ngayong retired na sa public service si Tito Sen, muli itong bumalik sa Eat Bulaga na totoong sobra niyang na-miss.
Pero kung kelan buo na naman ang Tito, Vic & Joey ay saka naman pumasok ang iba’t ibang isyu na may kinalaman sa pag-take over umano ng major stockholder ng TAPE, Inc. (producer ng Eat Bulaga) ang businessman at dating politician na si G. Romy Jalosjos at dito nagsimulang lumutang ang balitang kesyo mawawala na umano si Mr. T sa pamumuno ng TAPE, Inc. at pinapag-resign umano ang TVJ at ibang Dabarkads para sa mga pagbabago umano umano sa programa.
Since wala pang official statement si Mr. T maging si G. Jalosjos at ang Tito, Vic & Joey, mananatiling ispekulasyon ang lahat ng lumulutang na mga balita.
Sa darating na July 30, 2023 ay ika-44th anniversary ng Eat Bulaga kaya marami ang nagtatanong kung aabot pa ba sa petsang `yon ang pagdiriwang ng top-rating and longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
- Latest