Anne, humingi ng dasal sa pagtakbo

Anne Curtis

Bukas na, March 5, ang Tokyo Marathon kung saan, isa sa tatakbo si Anne Curtis para sa Takbo Para sa Bata, a fundrai­sing activity for the abused children in partnership with Unicef Philippines.

Kinailangan palang mag-nega­tive siya sa two antigen tests para payagang makatakbo. Kinailangan ding hydrated siya dahil bawal magdala ng water bottle habang tumatakbo. Ipinahinga rin niya ang kanyang legs.

“Please pray for me guys! And just in case you’re feeling generous, you can still donate via the link in my bio. All funds go directly to @unicefphils. Thank you so much!” post pa niya.

Kasama niya na lumipad pa-Tokyo ang asawang si Erwan Heussaff at anak nilang si Dahlia at sa Tokyo Disneyland pa nga nag-celebrate si Dahlia ng kanyang 3rd birthday.

Ashley, split na sa BF

Tanungan ang press people sa media­con ng Hearts On Ice kung break na ba si Ashley Ortega at politician boyfriend niyang si Lucena City Mayor Mark Alcala?

Sabi kasi ni Ashley, walang gaya ni Xian Lim sa buhay niya.

Kaya pala kasi break na sila.

Hindi nabalitang nag-break na sila ni Mark pero inamin niya pagkatapos ng presscon.

Anyway, sa March 13, 8:50 p.m., sa GMA 7 na ang world premiere ng Hearts On Ice sa direction ni Dominic Zapata.

Ang ganda ng visuals ng series na ito, hopefully, magustuhan at tangkilikin ng Kapuso viewers.

Lee-Min Ho, ambassador na rin ng real estate sa Pilipinas!

Pati real estate, South Korean celebrity na ang kinuha to lead the campaign ad at si Lee Min-ho nga ang kinuha ng SM Development Corporation as its newest brand ambassador. Pangungunahan niya ang Step into luxury campaign.

Ang daming fans ni Lee Min-ho. Marami siyang makukumbinsi na bumili ng property sa SMDC. Ibig sabihin nito, kung kasama sa talent fee ni Lee Min-ho ang bigyan siya ng unit sa SMDC, may property na siya sa bansa.

Matutuwa nito ang fans ng South Korean actor, imagine, mapapadalas ang punta rito ng actor at baka makasalubong pa nila sa isa sa mga mall ng SM.

Show comments