Paco, nilamon ang pride sa Amerika!
Kinuwento ng Introvoys member na si Paco Arespacochaga ang naging buhay niya sa Amerika noong magdesisyon siyang iwan ang Pilipinas noong 2001.
Sa programang Magandang Buhay ay ni-reveal ni Paco na hindi natuloy ang dapat na pagtrabaho niya sa isang international record label dahil wala siyang legal documents. Dahil sa kahihiyan ay tinuloy na lang ang mamuhay sa Amerika.
“Pupunta na ako sa States para mag-work dito sa international record label. Pagdating ko roon nag-sign na ako ng form, ipinatawag ako ng HR kasi sabi nila, ‘We need your US social security number.’ Sabi ko, ‘I only have my Filipino social security SSS.’ ‘Are you a citizen or green card holder?’ Sabi ko ‘No, I am a tourist.’ Nakita ko na ‘yung mukha nag-iba. In other words, hindi ako natanggap, hindi ako eligible to work. Pero na-announce ko na sa Pilipinas na successful ako, ayaw ko bumalik. So diniretso ko na, wala sa intensiyon ko na iwanan ang career para gawin ‘yung ginawa ko sa Amerika,” kuwento ni Paco.
Nilunok ni Paco ang kanyang pride at tumanggap ng kung anu-anong trabaho para maka-survive sa Amerika.
“Naging kargador ako roon kasi hindi ako natanggap sa label. Ang ginawa ko ayaw ko umuwi, so nagtrabaho ako as kargador for a beauty warehouse. Tapos noon nagtrabaho ako sa electronic store. Sa electronic store naging kahero ako roon. Sa beauty warehouse hindi ko makakalimutan ‘yun jetlag ako umiiyak ako dahil sabi ng manager ko, ‘dati napapanood kita sa TV ngayon tauhan kita.’ So kailangan kong kainin ang pride na ‘yon, nilamon ko ‘yung pride na ‘yon talaga.
“Doon sa electronic store naman, six hours kahero, one hour taga-collect ka ng push carts, isang oras taga-linis ka ng bathroom at taga-balik ng product. Habang naglilinis ako ng bathroom, may mga Pinoy nakita ‘yung nametag ko. Sabi, ‘oh si Paco Arespacochaga pala ito’ sabay umihi sa sahig. ‘O pre linisin mo ito kung hindi ire-report ka.’ Totoo ‘yon. I mean don’t get me wrong, it’s not all Pinoys but there are rotten apples everywhere and to think na while that was happening I was newly remarried so mayroon akong domestic challenges tapos mayroon akong personal career challenges, so puro challenges lahat ‘yon.”
Ngayon ay maganda na ang buhay ni Paco sa Amerika at muling nabuhay ang pagiging musikero niya dahil sa reunion shows nila ng Introvoys. Pinasikat ng kanilang banda noon ang songs na Kailanman, Di Na Ako Aasa Pang Muli at Line To Heaven.
Bukod sa anak niyang si Heaven kay Geneva Cruz, may apat siyang anak sa misis niyang si Cristina.
Ina, inalala ang amang si Johnny
Inalala ng aktres na si Ina Feleo ang ika-75th birthday ng kanyang ama, the late Johnny Delgado, noong nakaraang Feb. 28.
Pumanaw ang award-winning actor noong November 2009 sa edad na 61 dahil sa sakit na cancer.
Sa kanyang Instagram, pinost ni Ina ang old photo nila ni Johnny na may caption na: “I love you Daddy. Walang katulad. Walang katumbas. Walang nagbabago. Happy birthday in heaven! (Feb 29, 1948)”
Nag-post din sa IG ang sister ni Ina, ang acting coach na si Ana Feleo na tribute sa kanilang ama: “Thinking of you on your leap year birthday! I love you so much, Daddy.”
Very close nga raw si Ina sa kanyang ama at ito raw ang nag-push sa kanya sa sport na figure skating noong bata siya. Kaya malaking bagay raw na na-cast si Ina sa GMA teleserye na Hearts On Ice dahil bumalik daw sa alaala niya ang suporta na pinakita ng kanyang ama noong nagte-training siya. Bida sa Hearts On Ice sina Ashley Ortega at Xian Lim.
Madonna, kalahati ng kanyang edad ang jowa
Sa edad na 64, nakakakuha pa ng boyfriend ang singer na si Madonna na kalahati ng kanyang edad. Kelan lang ay napabalitang dine-date niya ay isang 29-year-old boxing coach na nagngangalang Josh Popper.
Huling nakarelasyon ng Vogue singer ang 23-year-old model na si Andrew Darnell. Pero matagal na palang nag-move on na ang singer sa relasyon niyang ito.
Ayon sa source ng Page Six, “It was only a very casual thing with Darnell, so she’s not brokenhearted. It’s just that it has come at a bad time. She had a lot of fun with Andrew, but it was never love or anything like that.”
Anyway, si Josh pala ang nagte-train sa mga anak ni Madonna sa Bredwinners Gym in New York City.
Kelan lang ay nag-post ito ng photo sa Instagram kasama si Madonna at may caption ito na: “I wanna thank my coaches, my team, and my Bredwinners family for pushing me to be my best in and out of the ring. I got some good people by my side.”
Bago naging boxing coach si Josh, isa itong licensed insurance salesman for New York Life. Lumalabas din ito US reality series na Summer House.
- Latest