Ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia ang bagong kaibigan nina Nadine Lustre at boyfriend nitong si Christophe Bariou. Nakita ang apat na nagdi-dinner sa Blackbird at the Nielson Tower kasama ang isang kaibigan.
Muling nakita ang apat sa isang motorbike date with some friends at mukhang masusundan pa ang pagkikitang ‘yun ng apat.
Sina Billy at Christophe nga lang – French ang BF ni Nadine – fluent sa French at doon pa lang, hindi na problema.
Curious lang kami, marunong na kayang magsalita ng French si Nadine, ang ganda sigurong pakinggan na nagsasalita siya ng French.
And speaking of Nadine, as of Feb. 18, umabot na sa P255M ang gross ng Deleter, ang 2022 MMFF entry ng Viva Films na pinagbidahan ni Nadine. Isa uling Director Mikhail Red ang next project ni Nadine sa Viva Films na for sure, kikita uli ng milyones.
Barbie, magpapagpag sa Amerika
Balik muna sa comedy si Barbie Forteza pagkatapos magdrama sa Maria Clara at Ibarra dahil sa Sunday, March 5, guest siya sa Happy ToGetHer, ang sitcom na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz.
Sa interview sa kanya, nakuwento how was it working with JLC and Director Edgar Mortiz.
“Isa lang ‘yung naging eksena ko with Mr. JLC (John Lloyd), yet I enjoyed doing the scene. He’s quiet but approachable.”
“Working with Direk Edgar (Mortiz), was fun pero super sandali lang talaga. Nabitin ako, sa totoo lang, sana makabalik ako,” sabi ni Barbie.
Anyway, hindi pa pala nakakaalis si Barbie dahil she is set to fly to Chicago for a vacation, sa family ng sister niya. Ang tawag nga niya sa bakasyon na ‘yun ay “pagpag” after portraying Maria Clara in Maria Clara at Ibarra.
Samantala, kilig na kilig pa rin ang fans nila ni David Licauco sa asaran ng dalawa.
‘Yun bang, walang magawa ang dalawa kundi mag-asaran, nami-miss siguro ang isa’t isa dahil matagal magkasama sa taping. Tapos, biglang nahinto at dahil hindi nagkikita, sa socmed na muna ang interaction.