Ang bongga naman ni Vic Sotto. Siguradong masayang-masaya ito ngayong kumpleto ang mga anak niya.
Ibinahagi ng anak niyang si Oyo ang litrato nila sa social media kasama ang mga kapatid at tatay nitong si Vic. Kasama nito ang misis na si Kristine Hermosa, at naroon din si Danica Sotto-Pingris na anak niya sa aktres na si Dina Bonnevie at Pasig City Mayor Vico Sotto, na anak naman niya kay Coney Reyes.
Samantala, kasama rin ni Vic si Pauleen Luna at anak nila na si Tali, habang kasama rin ang anak niya kay Angela Luz na si Paulina Sotto-Llanes at asawa nitong si Jed Llanes.
Ang ganda-ganda nilang tingnan lalo na ngayong buo ang magkakapatid.
Siguradong isa itong priceless moment.
Habang kasama ng mga ito ang kanya-kanyang partner, napansin naman ng netizens na si Mayor Vico na lang ang walang kasamang girlfriend. Wish ng netizens ay mahanap na nito ang babaeng makakasama niya habambuhay.
Sabik na ang mga ito na makita ang mayor ng Pasig na magkaroon na rin ng karelasyon. Siguradong suwerte ang magiging misis nito.
Bongga.