MOM pinalakpakan, aga nanggulat!   

Masayang-masaya ang buong cast ng Martyr or Murderer sa big success ng red carpet premiere night ng movie na ginanap last Monday sa SM The Block Cinema.

Tatlong sinehan ang pinagpalabasan ng pelikula at talaga namang napakara­ming tao ang dumalo’t nanood.

Hindi magkamayaw ang palakpakan ng mga tao after watching the movie na napakaraming pasabog and shocking revelations.

Abot-abot naman ang pasasalamat sa mga nagandahan sa movie at muling nilinaw na wala silang sinisiraan na kahit sino sa pelikula.

Present din sa premiere night si Sen. Imee Marcos na iyak daw nang iyak habang nanonood. “Medyo mabigat ‘yung sine sa akin kasi parang ayaw mo nang daanan second time,” sey ni Sen. Imee.

Habang pinapanood nga raw niya ang movie ay bumabalik din sa kanya ang old memories both happy and sad na dinaanan ng kanilang pamilya. “Lahat ng pangyayari, ‘yung dinanas namin na kung saan-saan ako napadpad, ang tagal ko nga sa Morocco,” aniya.

Isa sa highlights ng MOM ay ang death scene ni former president Ferdinand Marcos played by Cesar Montano gayundin ang breakdown scene ni Cristine Reyes as Imee nang yumao ang kanyang ama habang nasa Morocco siya.

Kung sa Maid in Malacañang ay pasabog ang last scene kung saan ay ipinakita nga si former president Cory Aquino na nagma-mahjong, ang dami ring na-shock sa ending scene ng MOM dahil sa paglabas ni Aga Muhlach as President Bongbong Marcos.

Split seconds lang nakita si Aga sa movie pero sapat na ito para magsigawan sa loob ng sinehan.

Bukod kay Aga, isang bagong cast din ang lumitaw sa bandang ending na nakita rin naman sa trailer.

Ito ay si Eula Valdes bilang Sen. Imee.

Obviously, sa 3rd sequel ay present time na ang a­ting mapapanood kaya naman sina Aga at Eula na ang gaganap bilang PBBM and Sen. Imee respectively.

Showing na today, March 1, ang Martyr or Murderer in 250 cinemas nationwide. 

Ogie, sinagot si Liza

Nagbigay na ng kanyang reaksyon ang dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz sa mga naging pahayag ng aktres sa vlog nito last Sunday.

Sa mga sinabi ni Liza na never siyang tinanong ng kanyang ideas or input, mahinahong kinontra ito ni Ogie. “Kung sinasabi ni Liza na parang kinokontrol siya ng mga tao sa paligid niya, kung ako man ‘yan at ang Star Magic, gusto kong magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami. Kaya siguro sumikat siya,” ani Ogie.

Tungkol sa sinabi ni Liza na hindi siya ang pumili ng kanyang screen name, paliwanag ni Ogie, ang pangalang ito ang nagbigay ng magandang buhay sa pamilya niya.

“Anak, ‘yung screen name na Liza Soberano na ibinigay sa ‘yo ni tita Malou Santos ng Star Cinema, ‘yan ang nagtaguyod sa pamilya mo. Nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang daddy mo.

“Nakakapagpadala ka rin ng tulong sa mommy mo sa States. Naibili mo ng bahay sa Amerika ang lolo at lola mo na kumupkop sa inyo ng kapatid mong si Justin nu’ng mga bata pa kayo sa Amerika.

“Lahat ‘yan, dahil sa ‘yo. Dahil sa pagiging Liza Soberano mo, anak.”

Show comments