Ate Vi, sanay sa big bike

Ate Vi

Ngayon lang namin narinig ang kuwento ni Ate Vi (Vilma Santos), na minsan pagkatapos ng TV show niya noon na Vilma ay sinundo siya ni Congressman Ralph Recto, at pinasakay siya noon sa isang big bike. “Naka-gown ako, naka-high heels, tapos nakaangkas ko kay Ralph sa motorsiklo. Wala pang helmet noon kaya makikita ka ng mga tao. Tapos nahinto kami sa traffic, nakatingin sa akin lahat iyong nakasakay sa isang bus. Naririnig ko ang tanungan, si Vilma Santos ba iyon?

“Hindi doon natapos iyon, marami kaming bonding na ginawa ni Ralph noong araw na nakaangkas ako sa kanya sa motorsiklo, kaya nasanay na rin ako. The last time, kailan lang dahil kailangan naming mag-ikot sa Lipa, eh dala niya iyong big bike niya, nakaangkas naman ako sa kanya. Kaya sa totoo lang sanay na akong umangkas sa motorsiklo. Noong una takot ako, napapahigpit ang yakap ko kay Ralph, pero basta maingat ang rider, safe naman talaga,” pagkukuwento  ni Ate Vi.

Ngayon isa sa kanyang ginawang endorsements ay para sa transport company na Angkas. Iyon iyong nakikita ninyong teaser noon pa na “Nasaan si Vi?.”

Ipinaliwanag ni Ate Vi na kaya pumayag siya sa nasabing endorsement ay dahil nakikita nga niya ang problema sa traffic, kamahalan ng gasolina, kakulangan sa murang transportasyon lalo ngayong may bantang phase out sa mga jeep at UV, at dahil ang concept ay makapagbibigay ng trabaho sa maraming riders.

Mga tindero at tindera sa Quiapo, may reklamo kay Coco?!

Natapos na iyong mga Muslim, ngayon naman ang vendors sa Quiapo ang nagrereklamo laban kay Coco Martin dahil ang taping daw ng kanyang serye ay istorbo sa kanilang negosyo.

Natural naman na basta may taping o shooting kailangan controlled mo ang sitwasyon sa isang lugar, kaya cordoned off iyan sa mga tao.

Hindi makabenta ang vendors. Ang sinasabi nila papaano kung tumagal iyan ng anim na taon, di mamamatay na lang silang dilat ang mata?

Sana raw sa isang studio na lang ginagawa iyan, hindi sa Quiapo mismo.

Ang isa namang solusyon, na sa palagay namin mas mura at mas practical, bayaran na lang nila ang istorbo sa mga naghahanap buhay doon, tutal kailangan din naman nila ng mga extra, para hindi naman gutom ang abutin ng vendors na apektado ng kanilang taping sa Quiapo.

Alam kaya ito ni Coco?

Show comments