Kendra, pinagmalaki ang swimming medals

Kendra

Ang bongga naman ng anak nina Chesca Garcia at Doug Kramer na si Kendra.

Hindi lang pala ito maganda dahil talented din ito. Ipinagmalaki nito ang kanyang swimming medals na kanyang pinaghirapan.

Sa post ni Kendra, “Baby steps to my big goals! The Lord blesses us with talent, and it’s our job to nurture that talent. Thank you, Lord!” 

Kaya naman proud na proud ang mommy niya na si Chesca. Ayon nga dito ay inaani na nito ang pinaghirapan at disiplina kaya excited na raw ito sa next season.

Iba rin talaga ‘pag suportado ang bata ng kanyang mga magulang kagaya ng ginawa ng mag-asawa nakaraang taon kung paano nila ipinakita ang suporta sa anak. Sinamahan pa nila ito sa kanyang training.

Samantala, lutang na lutang din ang ganda ng batang ito. Siguradong gaganda pa ito ‘pag nagdala­ga. Manang-mana ito sa kanyang mommy. Hindi rin nakapagtataka kung bigla itong mag-decide na pasukin ang showbiz o ‘di kaya’y ma­ging beauty queen. Bongga.

Show comments