^

Pang Movies

Barbie at Jak, nagtago noon!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Barbie at Jak, nagtago noon!
Barbie Forteza at Jak Roberto

Kung noong araw ay karaniwan nang nakikita natin sa social media ang araw-araw na galawan ng magsyotang sina Barbie Forteza at Jak Roberto, ngayon ay wala ka na ngang makitang ganoon. Maliwanag namang kinausap ng GMA 7 si Jak at ganoon si Barbie, na kahit na alam ng mga tao na magsyota sila dahil hindi naman inililihim iyon sa simula pa lang, kailangang itago nila iyon ngayon dahil sa binubuong love team nina Barbie at David Licauco.

At least ang sinabi lang sa kanila ay kumubli muna, hindi naman sila inutusang mag-split dahil sa binubuong love team o magpanggap na nag-break, pero gaano katagal nga ba silang magkukubli dahil sa love team nina Barbie at David?

Mahirap din iyon, dahil parang sinabi mo na kay Jak na hindi sisikat si Barbie kung siya ang kasama. Posible ring maapektuhan si Barbie dahil kung kani-kanino nila itinatambal si Jak. Iyan ang masakit sa isang artista kung hindi pa talaga sumisikat nang husto. Kung sikat na ang mga iyan, mapapakialaman pa ba nila ang personal na buhay ng dalawa. Siyempre matatakot din silang makialam dahil baka layasan sila.

Pero hindi naman sila magaling sa pagbuo ng love team eh. Gaano katagal nga bang nagpanggap na nagkakagustuhan sina Aljur Abrenica at Kris Bernal noon? Gaano katagal din nilang sinugalan sina Ken Chan at Rita Daniela? Kasi serye lang naman ang ginagawa nila. Oras na medyo lumamig na sa publiko ang love team, iiwanan na rin iyan ng network, kaya kawawa rin ang mga artistang napapakialaman pati ang love life.

John, pinagtawanan

Natawa kami sa panawagan ni John Regala sa mga kapwa niya artista, at sinabi niya na habang bata pa sila at kumikita pa nang malaki ay kailangan na silang mag-ipon para kung tumanda na sila o lumamig ang career, hindi sila maging kawawa.

Iyan ay pagkatapos na manawagan siya sa mga kasamahan niya sa show business na sana naman daw ay pahalagahan ang kanyang mga naiambag sa show business at tulungan naman siya sa kanyang pagpapagamot.

Mukhang naging malamig ang pagsalubong ng ibang taga-showbiz sa panawagan ni John dahil sa controversy na nangyari sa nga naunang tumulong sa kanya, na kalaunan ay nasisi pa. At saka si John, noong kalakasan naman niya hindi rin siya nag-impok ng pera, kaya nga ngayon pati sa pagpapagamot sa sakit niya nahihirapan siya.

Mayroon pa namang mga tumutulong, pero hanggang kailan?

Male sexy star, fake news ang malaking kinabukasan!

Tuwang-tuwa raw siya, sabi ng isa naming kakilala nang magising siya isang gabi na ang palabas sa cable ay isang pelikulang halos tatlong dekada na yata ipinalabas. Ang kuwento ng bading, pareho raw siyang nagkaroon ng kaugnayan sa dalawang leading men sa pelikulang iyon.

Nauna raw niyang na-gets ang mas bata sa dalawa, nakilala niya iyon sa isang bar out of town, at sinasabi niyang ang kanilang relasyon ay tumagal ng apat na taong mahigit noong una. Nagkahiwalay sila nang mag-asawa na at nag-abroad pa ang sexy male star, pero after 10 years nagkita sila ulit at nagkabalikan, na tumagal ulit ng tatlong taon.

Iyon naman daw isang male sexy star sa pelikula, inihatid sa kanya ng isang showbiz boogie wonderland, at alam na ninyo ang kasunod. Pero hindi na raw naulit dahil disappointed siya. Fake news daw ang sinasabi sa mga pralala na malaki ang kinabukasan noon.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with