Jeric, maligaya sa career at lovelife!

Jeric Gonzales

Happy ang lovelife at career ni Sparkle artist Jeric Gonzales. Umamin na nga si Jeric na nagkabalikan na sila ng beauty queen-actress na si Rabiya Mateo, kaya pareho na silang happy nag-celebrate ng Valentine’s Day. At masaya at thankful din si Jeric sa takbo ng kanyang career dahil after niyang gawin ang Pinoy adaptation ng K-drama series na Start-Up Ph with Alden Richards and Bea Alonzo, nasundan agad ito ng bagong action series, ang Mga Lihim ni Urduja.

“Yes, I’m very happy to be part of Mga Lihim ni Urduja kaya gumagawa naman ako ng action scenes in this action-historical drama,” kuwento ni Jeric sa presscon. “I’m glad to be working with Kylie Padilla, Gabbi Garcia and Sanya Lopez. Very exciting ang story nito about the search for the missing magical necklace of Hara Urduja. I will play the role of Greg, an agent and liaison officer-in charge of protecting Gem (Kylie) and Crystal (Gabbi) sa paghahanap nila sa nawawalang kuwintas na may mga taglay na agimat.”

Tonight na, Feb. 27, ang world premiere ng mega serye at 8 p.m. after 24 Oras sa GMA 7.

Show comments