Lovi, mararanasan ang Panagbenga!

Lovi

Sunud-sunod ang blessing ni Lovi Poe.

Heto at nag-uumpisa pa lang ang pamamayagpag ng FPJ’s Batang Quiapo, ngayon naman ay may bago siyang endorsement.

Last Thursday (February 23), pumirma ang Supreme Actress ng panibagong endorsement deal, this time, with Eevor Skin Care Depot na kilala sa market as SCD. Siya na ang ambassador ng nasabing skin products.

Nagpirmahan sila ni Ms. Grace Mangulabnan-Angeles, ang CEO ng kumpanya, kasama ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez.

At today, Sunday, for the first time, sasali si Lovi sa Panagbenga Festival sa Baguio City (na ngayong taon lang magbabalik after three years dahil nga sa pandemic).

Super excited si Lovi dahil bago ito sa kanya kung saan sasakay siya sa sosyal na float ng Eevor Skin Care Depot o SCD.

“I’m so excited na first time akong makakasama sa Panagbenga Festival sa Baguio City! Excited na akong makasama ang mga taga-Baguio today!,” chika ng aktres.

Mag-uumpisa ang parada ng 8:00am sa DILG/Casa Vallejo at magtatapos sa Melvin Jones Grandstand & Football Grounds.

Anyway, ang Eevor Skin Care Depot or SCD was established in 2016 at Olongapo City, kung saan sila may opisina at production facility.

Mabilis din ang naging tagumpay nito dahil sa rami ng resellers sa buong bansa.

Ito ay brainchild ni Ms. Grace na isang full-time wife and mother of three, and a devoted businesswoman who started venturing into the herbal soap business in 2006 under Grace Herbal Garden.

Pagkatapos ng mahabang pahinga mula sa negosyo, binuksan niya ‘pintuan ng SCD gamit ang sarili niyang formulated na mga sabon at ang The Peeling Skin Lotion.

Mabilis itong lumago hanggang lumaki na.

Sustainable and environment-friendly ang mga produkto nito kaya hindi sila nahirapang kumbinsihin si Lovi na i-endorse ito.

At higit sa lahat, affordable raw ito kaya oo kaagad ang actress na pinupuri ang husay sa Batang Quiapo.

Pia pinintas-pintasan sa suot na luxury brand habang todo awra!

Pulos nega ang comment ng followers and observers sa video upload ni Pia Wurtzbach habang nirarampa nito ang isang luxury brand sa London.

Masyadong revealing ang top ni Pia eh boobsie ang dating beauty queen kaya talagang umaalog-alog ang kanyang dibdib habang umaawra-awra.

Parang too much na raw at nagmukhang mumurahing sexy star ang dating beauty queen.

Meron namang comment na first time niyang nag-disagree sa look nito. “Pretty face Queen P, but 1st time to disagree with this whole look..color combination and styling not flattering..just too much...”

May nagtatanong pa kung sino ba ang stylist niya.

Very tacky raw ang kanyang hitsura.

 “That top looks too revealing and not very classy,” hirit naman ng isa pa.

Meron namang nagsabi na nagmuka siyang mataba.

Malala rin ang comment na mukhang chopsuey ang overall look niya.

Anyway, ang ending, si Pia pa rin ang nagwagi dahil napansin siya. ‘Yun nga lang mas lamang ang namintas kesa pumuri.

Juliana, sunud-sunod ang panalo

Super proud si Rep. Richard Gomez sa bagong achievement ng anak nila ni Ormoc Mayor Lucy Torres, si Juliana. UAAP champion ito sa fencing. “I am so proud of you @gomezjuliana !

“You are now uaap champion!!!

“Hard work and understanding of the game has set in. I love you ‘day!,” post ng kongresistang ama at dating aktor.

Nagmana si Juliana sa husay mag-fencing ni Goma.

Sana nga ay magkaroon ng local adaptation ang Korean drama na Twenty Five Twenty One.

Ang ganda nito na ang kuwento ay tungkol sa magkaibigang athlete pero magkaribal din sa larong fencing.                                                                     

Nang makausap namin ni Juliana late last year, willing siyang gawin ito kung magkakaroon ng chance dahil wala na siyang kailangang gaanong pag-aralan dahil innate na ang galing niya sa fencing at maraming beses na siyang nanalo.

Bago ang UAAP ay nagwagi na si Julianna sa iba’t ibang international fencing competition.

Late last year ay nanalo siya sa Thailand Open Fencing Championship.

Gold medalist din siya sa West Java fencing challenge sa Indonesia.

Ang dami naman agad-agad nag-congratulate kay Juliana sa nasabing post ni Richard na isang national fencer bagong naging pulitiko.

Show comments